Filtered By: Showbiz
Showbiz

Richard Gutierrez: Island ghosts haunt celebrity castaways


Nakabalik na sa bansa si Richard Gutierrez matapos ang isang buwan na pananatili sa isang isla kung saan ginawa ang celebrity edition ng Survivor Philippines. Totoo nga bang minumulto ang tinuluyan nilang isla? Ang mga magulang na sina Eddie Gutierrez at Annabelle Rama ang sumundo kay Richard nang dumating ito sa airport nitong Miyerkules ng gabi. Mahigpit na niyakap ng binata ang kanyang ama’t ina na hindi niya nakita ng isang buwan. Ayon kay entertainment reporter Lhar Santiago, makikita sa katawan ni Richard na nabawasan ito ng timbang. Pero sakabila ng hirap, masaya raw ang aktor sa kanyang naging karanasan. “Amazing experience, talagang unforgettable. Tumira kami sa isla ng isang buwan, marami kaming pinadaang hirap at saya. I’m just happy na nandito na uli ako sa Pilipinas," pahayag ni Richard sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Huwebes.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Pinuri din ni Richard sa mga celebrity na sumali sa third season ng Survivor Philippines. Sa ipinakitang lakas, tapang at determinasyon ng mga castaway, at mga pangyayari sa isla, dapat daw itong tawaging extreme edition. (Basahin: Celeb castaways in Survivor Philippines revealed) “Extreme weather condition, ngayon niyo lang makikita ang ganung klaseng bagyo na tumama sa isla…ang daming venomous snake sa paligid at kakaiba talaga," patuloy niya. May kakaibang experience din umano ang mga celebrity castaway sa isla na pinapaniwalaang gawa ng mga ligaw na kaluluwa. “Sabi ni Ervic sa’ken sa isla ilang beses silang minumulto…may naririnig silang boses, kumakanta, mga paa tumatakbo, bata na umiiyak. Kasi tsunami area pala yun (lugar sa isla) before," ayon kay Richard. Hindi pa man naipapalabas ang third edition ng Survivor Philippines: Celebrity showdown, sinabi ni Richard na handa siyang sumabak para sa ika-apat na edisyon nito kung bibigyan siya ng pagkakataon. “Yung experience talaga sa Survivor walang kapalit, yung accomplishment, yun fulfillment inside walang siyang kapalit," pahayag niya. Samantala, lalo pang sumaya si Richard nang malaman niya na tumabo sa talikya ang movie nila nina Claudine Barretto at Anne Curtis na In Your Eyes. Pinasalamatan ng aktor ang kanyang dalawang leading ladies sa ginawang pagpromote sa kanilang movie, ganun din sa mga taong nanood ng In Your Eyes. - Fidel R. Jimenez, GMANews.TV