Filtered By: Showbiz
Showbiz

Kris Aquino: ‘Ending a marriage is hell’


Aminado ang television host-actress na si Kris Aquino na nahihirapan siya nangyaring hiwalayan nila ng mister na si James Yap. Pero ang salitang nanggaling umano sa kanilang anak na si Baby James ang nagpapalakas ng kanyang loob. Sa kanyang Twitter account, ikinuwento ni Kris ang kanyang saloobin sa pinagdadaanang pagsubok sa buhay at paghugot ng lakas mula sa kanyang bunsod anak, ayon sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Biyernes. Hanggang ngayon ay iniiyakan pa rin umano ng TV host-actress ang pagtatapos ng marriage nila ng sikat na basketball player na si James. “I shouldn’t admit weakness, but im falling apart because ending a marriage is hell," nakasaad sa Tweet ni Kris. Inihayag din niya na kapwa sila may pagkukulang ni James bilang mag-asawa pero may pagkakataon pa umano sila na maging mabuting magulang ni Baby James o Bimby.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Idinagdag ni Kris na minsan na rin siyang tinanong si Baby James nang makita siyang umiiyak. “I was honest & said mama & papa r fighting. Then he (Baby James) said wise word na super wake up call for me, ur r brave mama ko." At nang tanungin umano Kris ang anak kung nais nitong magsama silang muli ni James, kuwento nito sa kanyang Tweet: “I asked if he wanted his papa to come back to live w/us and he said mama dito tayo (then he said name of condo where we live) papa ko sa other house pero friends tayo no more away-away." Muling pagkikita Samantala, makalipas ng isang buwan ay muling nagkita nitong Biyernes sina Kris at James sa sala ni Makati City Regional Trial Court Judge Cristina Javalera-Sulit, upang talakayin ang visitation rights ni James sa kanilang anak. Matapos ang close-door hearing, sinabi ni Attty . Lorna Kapunan na pinaboran ang kahilingan ng kanyang kliyente na si James na mabigyan ito ng karapatan na makita ang anak. "The agreement was James can see Baby James three times a week—Wednesday, Friday, and Saturday. Kapag Wednesday at may games, puwedeng dalhin sa games. On Friday, overnight up to Saturday," ayon kay Kapunan. Sinabing magkakabisa ang resolusyon simula sa Biyernes ng gabi. - FRJimenez, GMANews.TV