Filtered By: Showbiz
Showbiz

Venus Raj victory brings joy to Melody Gersbach family


Sa gitna ng pagdadalamhati, nagbigay ng kaligayahan sa pamilya ng pumanaw na 2009 Binibining Pilipinas titlist na si Melody Gersbach ang panalo ng kaibigan nitong si Venus Raj sa Miss Universe Pageant. Sa ulat ni GMA News reporter Mark Sembrano sa primetime news 24 Oras nitong Martes, ipinakita ang ginawang pagbalita ni Mrs Gersbach sa nakahimlay na anak sa loob ng ataul tungkol sa naging panalo ni Venus na 4th runner up sa Miss Universe pageant. Abala ang pamilya Gersbach sa pag-asikaso sa mga nakikiramay sa kanila sa pagpanaw ni Melody. Nasawi ang 23-anyos na si Melody dahil sa nangyaring car crash sa Camarines Sur noong Sabado. (Basahin: Owner, driver of bus that killed beauty queen, 2 others to be charged Monday) Ngayong Martes ang huling lamay para kay Melody sa Daraga, Albay. Sa Miyerkules ng umaga ay dadalhin ang kanyang mga labi sa Cathedral sa Legaspi para bendisyunan. Pagkatapos nito ay dadalhin ang mga labi niya sa Heritage Memorial Park sa Taguig.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Sa Sabado naman itinakda ang libing ni Melody sa Angeles City, Pampanga. Dumating na rin mula sa Egypt ang nakatatandang kapatid ni Melody na si Marlon. Labis ang kalungkutan nito sa pagkawala ng kapatid na tinawag niyang most loving and caring person. “She’s the most loving, most caring person…she has no malice in the world and that what I truly adorable to her…I love her, she’s my younger sister, I miss her to death, I really do," ayon kay Marlon. Dumalaw din burol sa Albay si Dante Jimenez, pinunong anti-crime watch group na VACC. Tutulong umano sila sa pagsubaybay sa kaso ni Melody para matiyak na makakamit nito ang hustisya at mapapanagot ang drayber at may-ari ng bus na nakabangga sa sinasakyan ni Melody. - FRJimenez, GMANews.TV