Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

"The Quirino Grandstand Hostage Crisis!"


Episode on August 26, 2010 Thursday after Saksi! Hostage- taking sa Quirino Grandstand --- madugo ang naging katapusan! Habang nakatutok ang karamihan sa naging pagkilos ng S.W.A.T. at ng pulisya, binantayan naman ng Rescue ang mga medical assistance team na naging alerto para gamutin ang mga buhay subalit sugatang mga biktima. Samantala, paano nga ba binabantayan ang seguridad sa mga sikat na pasyalan sa Metro Manila? Sinundan ng Rescue ang mga tagapamahala ng kaayusan sa Luneta Park --- at kabilang sa mga eksenang nadokumento namin kasama sila --- mga estudyanteng huling-huling nag-iinuman sa tabi mismo ng monument ni Lapu-Lapu at at mga lalaking tambay na tila wala na sa wastong katinuan! Isang senior citizen naman ang kinailangang saklolohan sa Commonwealth, Quezon City. Sumbong ng lola sa mga tanod --- pinapabayaan, ginugutom at sinasaktan daw siya ng sariling mga kaanak niya. Oras na ng totoong drama at aksyon kasama si Igan Arnold Clavio sa RESCUE! Ngayong Huwebes ng gabi pagkatapos ng Saksi!