Filtered By: Showbiz
Showbiz

Dingdong, Jolina, Carl Guevara renew contract with GMA 7


Mananatiling Kapuso sina Dingdong Dantes, Jolina Magdangal at Carl Guevara matapos silang pumirma ng exclusive contracts sa GMA Network. Naging saksi sa pirmahan ng kontrata ang mga executives ng GMA 7 na sina Atty. Felipe L. Gozon, GMA Network Chairman, President and CEO; at Mr. Gilberto Duavit, Jr., GMA Executive Vice President and COO. Kasama naman nina Dingdong, Jolina at Carl ang kanilang manager na si Perry Lansingan, ayon sa ulat ng Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Biyernes. Nagpapasalamat ang tatlong Kapuso stars sa patuloy na pagtitiwala sa kanila ng network. Samantala, thankful din ang management ng network sa pagiging loyal nina Dingdong, Jolens at Carl.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV “Dingdong is one of the biggest Filipino stars… Jolina is a treasure and so is Carl," ayon kay Mr. Duavit. Pahayag naman ni Dingdong: “Almost half my life nandito na ako sa GMA and I don’t mind spending the rest of my life here." Ipinangako ni Carl na susuklian niya ang pagtitiwala sa kanya, habang ini-expect naman ni Jolina ang meaningful partnership sa Kapuso Network. - FRJimenez, GMANews.TV