Filtered by: Publicaffairs
Public Affairs

Hollywood Stuntman, Brett Chan and Behind the Scenes of Survivor Philippines!


Episode on August 27, 2010 Friday after Saksi! Hollywood Stuntman - Brett Chan Ang labanan ng mga bampira at werewolf sa Twilight, ang umaatikabong fight scenes sa Last Samurai at ang mga sagupaan ng mga mutants sa Xmen. Bentang-benta ang mga maaaksyong tagpong ito sa Hollywood at dito sa Pilipinas ! Pero sa pagsipa ng mga pelikulang ito sa takilya, umaarangkada din ang career ng isa nating kababayan. Si Brett Chan isang Filipino-Canadian na stuntman sa likod ng maraming action-packed movies sa Hollywood ! Ang mga maiinit na fight scenes --- siya mismo ang choreographer! At hindi lang dito tumitigil din ang takbo ng kanyang career, pinatunayan niya rin ang kanyang galing sa pag-arte bilang isang stunt performer! Abangan ang pag tumbling at pagbale-balentong ni Brett Chan sa tagumpay! Ang ibang mga "Survivor" Isa na marahil sa pinakamalalaking proyekto ng GMA News and Public Affairs ang nalalapit na Survivor Philippines . Maingay at pinag-uusapan ito dahil bukod sa puro artista ang mga kasali sa season na ito, bago rin ang kanilang host- ang hinahangaang si Richard Gutierrez. Sa bawat season, ipinapakita sa mga manonood kung paano tumutulo ang pawis ng castaways at host magawa lang ang challenges na ibinibigay sa kanila. Pero ang hindi natin nakikita kung paano naman pinagbubutihan din ng mga tao sa likod ng Survivor Philippines ang preparasyon para maging maaksyon at kapana-panabik ang bawat episode. Ang Art Department, dito palang sa Pilipinas mabusisi ng inihahanda ang bawat props na gagamitin para sa challenges. Sila ang namamahala sa disenyo at magiging itsura ng buong produksyon. Para naman sa seguridad ng bawat challenge, nandyan ang Sandugo adventure team. Sinisigurado nilang maiiwas sa aksidente ang castaways kahit pa gaano kahirap ang challenges na gagawin. Sila ang laging nakasaklolo sa oras ng emergency. At higit sa lahat, ang mga producer at iba pang staff na siyang utak ng buong produksyong ito. Sila, kasama ng mga celebrity castaways at ng host na si Richard Gutierrez. Sama-samang tiniis ang matitinding init, pag-ulan, at gutom, magawa lang na posible ang malaking produksyon ng Survivor Philippines . Ang mga kwento nila, abangan sa OFW Diaries, Biyernes ng gabi pagkatapos ng Saksi!