Filtered By: Showbiz
Showbiz

Fire hits actress Chin Chin Gutierrez’s house anew


Muling nasunog ang bahay ng aktres na si Chin Chin Gutierrez sa Quezon City nitong Lunes ng gabi -- na nasunog na rin noong Disyembre 2006. Sa ulat ni GMA News reporter Lala Roque sa primetime news 24 Oras nitong Martes, sinabing faulty electrical wiring ang hinihinalang dahilan ng sunog sa bahay ni Chin Chin sa Varsity Hill, Xavierville, Quezon City. Wala ang aktres nang maganap ang sunog na pinapaniwalaang nagsimula sa kuwarto nito sa ikalawang palapag ng bahay. Kuwento ng kasambahay ni Chin Chin na si Lani, kabilang sa mga natupok ang imahe ng mga Santo at mga libro na ginagamit ng aktres sa pag-aaral.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Ayon sa ulat, tumagal lang ng may 30 minuto ang sunog dahil nasabayan ito ng malakas na buhos ng ulan. Gayunman, malaki pa rin ang naging pinsala sa bahay ng aktres. Noong Diyembre 2006, nagtamo ng paso sa mukha at kamay si Chin Chin nang masunog din ang naturang bahay. Nailigtas din ng aktres sa naturang insidente ang ina na nakaratay sa bahay dahil sa sakit sa kidney. Naging masakit para kay Chin Chin ang naturang sunog noong Disyembre dahil pagkaraan ng tatlong linggo ay pumanaw ang kanyang ina sanhi ng mga kumplikasyon sa kanyang karamdaman. - FRJ, GMANews.TV