photo by Sthanlee Mirador
Very blessed daw ang Pinay singing sensation na si Charice Pempengco sa pagkakasama niya sa cast ng Season 2 ng sikat na musical series sa US na
Glee. Sa ulat ni entertainment reporter Audrey Carampel sa
Chika Minute ng GMA news
24 Oras nitong Miyerkules, kabilang si Charice sa mga cast member na rumampa sa red carpet sa Premier Party ng
Glee na ginanap sa US. Marami umanong surpresang dapat aabangan sa bagong season ng
Glee, kasama na rito ang mga mukha sa musical series kabilang sina Charice at ang pop star na si Britney Spear. Bukod sa kantahan, kulitan at comedy scenes, hindi rin mawawala ang mga love team na magpapakilig sa mga manonood. "Pangalan po ng character ko is Sunshine Corazon, isa po siyang Filipino exchange student and siyempre po rival siya ni Rachel Berry. Magkakaroon po sila ng kontingâ¦like a singing cat fight," excited na kuwento ni Charice. Dapat ding abangan ang magiging itsura ng karakter ni Charice sa
Glee bilang simple na may pagka-fashionistang nerd student from the Philippines. â
FRJimenez, GMANews.TV