Filtered By: Showbiz
Showbiz

Lovi Poe bares tattoos in first underwear pictorial


Hindi lang ang kaseksihan ni Lovi Poe ang nalantad sa kanyang first sexy pictorial to endorse an underwear brand, kundi maging ang tattoo niya sa magkabilang tagiliran ng kanyang katawan. Kuwento ni Lovi kay entertainment reporter Nelson Canlas, siya man daw ay nagulat nang alukin na maging endorser ng underwear brand dahil pakiramdam niya ay hindi naman siya seksi. Pero sa larawan, kitang-kita ang magandang hubog ng katawan ng Kapuso star, kahit ginawa ang photo shoot nang hindi nakapaghanda ang dalaga. “They told me sa Sunday na pictorial mo..so, I said no preparation at all coz on Saturday I have work din so wala talaga, wala akong chance para mag-workout, anything," pahayag ni Lovi sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Huwebes.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Bagaman hindi malaswa, hindi raw nakatitiyak si Lovi kung papayag sa ginawa niyang pictorial na naka-underwear ang kanyang ama na si Fernando Poe Jr. kung nabubuhay ito ngayon. Pumanaw ang tinaguriang “King of Philippine Movies" noong Disyembre 2004 dahil sa sakit. At marahil sa unang pagkakataon ay makikita rin ng publiko ang tattoo ni Lovi sa magkabilang tagiliran ng kanyang katawan na ang nakasaad ay, “My Wing, My Gravity." Ayon kay Lovi, ang tattoo ay alay niya sa kanyang ama at ipinalagay niya ang mga ito noong first death anniversary ni FPJ. “It’s like a balance na he makes me fly, but puts me back to the ground," paliwanag niya. - Fidel R Jimenez, GMANews.TV

Tags: lovipoe, sexy