Filtered By: Showbiz
Showbiz

Marian and Bela settle differences after closed-door meeting


Tapos na ang iringan nina Marian Rivera at Bela Padilla matapos ang close-door meeting kasama ang ilang executives ng GMA Network. Ayon kay entertainment reporter Lhar Santiago, naganap ang pag-uusap nina Marian at Bela nitong Martes ng hapon. Kasama ni Marian sa meeting ang manager niyang si Popoy Caritativo, habang si Claire dela Fuente naman ang kasama ni Bela. Namagitan naman sa pag-uusap sina Wilma Galvante, GMA Network SVP for Entertainment; Annette Gozon-Abrogar, GMA Films president; at Yda Henares, GMA Network VP for Artist Management and Talent Development. Sinabi ni Lhar na ilang minuto lang ang itinagal ng pulong at masaya ang lahat nang lumabas sa kuwarto kung saan isinagawa ang pag-uusap.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Napagkasunduan na rin umano ng kampo nina Marian at Bela na hindi na magbibigay ng pahayag tungkol sa naging laman ng nasabing pulong. “Agreement has been met that no further comments or opinion on the matter will be given, wala na tapos na," pahayag ni Ms Galvante sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Martes. “Unfortunately kasi itong isyu na ‘to na kaguhan apparently na nangyari, nagsimula sa set ng Endless Love has been blown way out of proportion," idinagdag ni Ms Galvante. Batay sa mga naunang ulat na lumabas, sinasabing si Dingdong Dantes – na nobyo ni Marian - ang sinasabing ugat ang sigalot ng dalawang aktres. Si Bela ang gumaganap sa karakter na kasintahan ni Dingdong sa Endless Love. (Basahin: PEP: Dingdong breaks silence on Marian-Bela rift) Ayon kay Ms Galvante, kapwa propesyunal sina Marian at Bela na nagkasundo na tapusin at tuldukan na ang anumang isyung namamagitan sa kanilang dalawa. Umaasa naman ang Kapuso executive na igagalang ng lahat ang naging pasya ng magkabilang partido. – Fidel R Jimenez, GMANews.TV