Filtered By: Showbiz
Showbiz

iGMA: Karen on Survivor: ‘It was a slap on my face’


Karen “Taray Queen" delos Reyes shares the lessons from her castaway experience in Survivor Philippines: Celebrity Showdown. “I was very blessed. Parang [Survivor] was a slap on my face na, ‘Hey, wake up! You’re very blessed!." Ito raw ang best lesson na natutunan ng tinaguriang Taray Queen sa Survivor Philippines: Celebrity Showdown castaway na si Karen delos Reyes. “Contentment in life…value things," paliwanag ni Karen. Adding that ang pakikisama sa kapwa ang isa pa sa kanyang natutunan sa pagsali sa nangungunang reality series ng Kapuso Network. Ayon kay Karen, sanay silang mga celebrities na sila ang pinakikisamahan. Ngunit dito sa show na ito, kailangan nilang matutong makisama sa kanilang mga katribo. “In our daily lives as artistas, nakikisama kami. Pero ito, hindi katulad ng sa taping. Kasi sa taping, we get to be served by people. Prinsipe at prinsesa kami ‘pag sa taping. Pero doon talaga [sa isla] you have to work hard for it. You have to do it all by yourself or with your tribemates," she shared. Sa Survivor, Karen belonged to the tribe Sar Mayee na nili-lead ni Aira Bermudez. Sino naman kaya ang naging ka-close niya sa isla? Naging okay ba siya with her tribemates? “Actually halos lahat naman naka-work ko na. But ang naging ka-close ko talaga dito is Aira [Bermudez]. Actually iyong buong tribe ko," sagot ni Karen. “At saka mahal na mahal ko si Akihiro Sato! Grabe!," pahabol ni Karen during the interview, “Nagkaroon ng time na hindi ako makakakain kung hindi dahil sa kanya. Ganoon ko siya ka-mahal. He’s really nice!" Kahit na nahirapan si Karen, kasama ang ibang castaways sa isla, may bagay na nami-miss ang dalaga sa kanyang Survivor experience. “Matulog ng maaga," pahayag ng dalaga. “Kasi doon six or seven ng gabi, tulog na kami. Wala kaming gagawin eh. Madilim na, walang ilaw. Gumagawa kami ng fire, magkukuwentuhan kami ng kaunti. At saka pagod na rin." Dahil sa kanyang title na Taray Queen, ano kaya ang dapat abangan ng mga televiewers na strategy niya para manatili sa isla? “Hindi expected ng tao [kung anong klaseng player ako dito]. Basta hindi nila mai-expect iyong aura ko," pagtatapos ng dalaga. Subaybayan si Karen as she tries to outwit, outplay, and outlast her fellow castaways sa Survivor Philippines: Celebrity Showdown, weeknights after 24 Oras. - Ayessa De La Pena, iGMA.TV
LOADING CONTENT