Filtered By: Showbiz
Showbiz

After 15-years: Ex-lovers Raymart and Gelli are together again


Pagkaraan ng 15-taon, muling magtatambal ang dating magkasintahan na sina Raymart Santiago at Gelli de Belen sa bagong aabangang series sa GMA 7, ang Bantatay. Ano naman kaya ang naging reaksiyon ng misis ni Raymart na si Claudine Barretto? Sa bagong primetime series na Bantatay na magsisimula sa Lunes, isang mabuting ama na namatay, na sumalin ang kaluluwa sa alagang aso ang papel na gagampanan ni Raymart. Sa panayam ni entertainment reporter Lhar Santiago, sinabi ni Raymart na masaya siya sa kanyang bagong project pagkatapos ng Pilyang Kerubin na isang light-drama at may pagka-fantasy rin. Katambal ni Raymart sa Bantatay ang dati niyang nobyo na si Gelli, na maybahay naman ng singer na si Ariel Rivera. Nang tuksuhin ng entertainment press sa kanilang balik-tambalan, parehong natawa lang dalawang Kapuso stars.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV “Para kaming sixteen, oh my God! Sabi ko na nga ba sa’ming pagbabalik tambalan," natatawang pahayag ni Gelli sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Miyerkules. “Nakakapanibago dahil nga mga 15 taon na rin kaming hindi nagkasama, so nandoon pa rin…mabait, mabait pa rin si Gelli," tugon ni Raymart. Nang tanungin si Raymart kung ano ang naging reaksiyon ni Claudine sa balik-tambalan nila ni Gelli, sagot ng aktor: “She’s excited sa show na ‘to. Siya pa yung kinikilig e." Claudine, Angelica issue Kinamusta na rin ng press si Raymart tungkol sa gusot na kinasasangkutan ng misis nitong si Claudine at Angelica Panganiban. Kaugnay ito sa alegasyon na may relasyon umano si Claudine sa isang kaibigang lalaki ni Raymart – na itinanggi na ng mga taong sangkot sa kontrobersiya. “Okey naman kami (ni Claudine), walang pagbabago. Gaya ng sinabi ko sa (inilabas na) statement ko, ayoko na rin sanang pag-usapan ‘to, ikaw na lang ang sasagutin ko. Nandito ‘ko 100 percent (para) sa asawa ko," pagdiin ni Raymart. (Basahin: Raymart breaks his silence, defends wife Claudine) Tumanggi na rin ang aktor na magbigay ng mga update tungkol sa nasabing usapin na humantong na rin noon sa mga bantang demandahan. “Meron sa lawyer na ‘yon, ayoko na munang makialam," pahabol niya. – FRJimenez, GMANews.TV