Filtered By: Showbiz
Showbiz

iGMA: Heart Evangelista is happy with her career


Not only is Heart Evangelista happy dahil sa magandang reviews na nakukuha ng primetime show niyang Langit sa Piling Mo, but also dahil na rin sa takbo ng kanyang career in general. After her successful show na Langit sa Piling Mo ay magbabakasyon muna sa States si Heart kasama ang kanyang pamilya. “I’d go to San Francisco for three days, then I’d go to Vegas with my dad. Hinihintay na kami ng daddy ko. Umalis na siya noong isang araw," kuwento ni Heart. Seventeen days na mamamalagi sa States si Heart para magbakasyon at excited na nga daw siya dito, “Alam ko iyong mall nila 24 hours. So I look forward to that at saka iyong mga Elvis shows." Kaya naman sa last taping day nila ay puspusan ang pagtatrabaho ng dalaga dahil kailangan daw talagang matuloy ang lakad nilang ito. “Oo [kailangan naming matapos ito]. Kasi one year na naming ibinlock ito. So kailangan talagang maka-go. Sayang naman [kung hindi matuloy]. Naayos na iyong ticket at lahat." During the interview ay naikuwento rin ng dalaga ang hirap ng kanyang pagganap bilang Marj. “Siguro kasi lahat ng tao inaapi siya [si Marj]. Yes, that’s normal sa isang role. Pero mahirap pa rin kapag iyon iyong pini-play mong character. Iyak ka nang iyak. May sunog dito, pinagbintangan ka dito. The usual soap opera." “Sometimes it’s also very draining. Pero good training pa rin siya sa akin. Other than that, good pa rin iyong character ni Marj," lahad pa ng magandang aktres. As a matter of fact, ang favorite scene nga ng dalaga dito ay ang iyakan scene niya with Stef Prescott who plays the role of Jenny na nagpanggap na bunsong kapatid nila. “Ang pinaka-favorite scene ko dito iyong sister ko na nagpanggap na siya si Joy. Iyong sinabi niya sa akin na naawa ata siya. Iyon iyong favorite ko sa lahat ng ginawa ko. Totoong iyak [ang ginawa ko doon]," kuwento ni Heart. Ano naman kayang ending ang dapat i-expect ng mga manonood? “Well magpapakasal siya [kay Rigo]," sagot ni Heart. “Pero madaming manggugulo. Madaming mga hadlang sa pag-ibig nila." Dahil sa magandang reviews na nakuha ng show niyang ito, naitanong pa kay Heart kung ano ang sunod na projects niya after this. “When I come back that’s when we’ll discuss," pahayag ni Heart, “Meron [akong movies], pero hindi pa sure. It’s still under negotiation. It’s really more of a cameo appearance, that’s what I heard. Actually nasarapan ako sa pagko-concentrate sa isang project, movie. Nasarapan ako sa feeling na ganyan. Sana magkaroon. We’ll see. Pero meron pa akong dalawang movies with Regal, so ewan ko lang." Basta daw sa ngayon ay na-enjoy ni Heart ang pagtatrabaho niya sa Langit sa Piling Mo kaya naman nang amin siyang tanungin kung ano ang masasabi niya sa pagtatapos ng show, isang maikli ngunit napaka-sincere na sagot ang kanyang ibinigay sa amin: “It’s the best soap I’ve ever been with." Panoorin ang ending ng Langit sa Piling Mo sa Biyernes, bago ang 24 Oras. - Ayessa De La Pena, iGMA.TV