Filtered By: Showbiz
Showbiz

Annabelle Rama talks about Solenn Heussaff and her Twitter account


Happy ang talent manager na si Annabelle Rama sa paggamit niya sa kanyang Twitter account. Masaya rin kaya siya sa pagkaka-link ng anak niyang si Richard Gutierrez sa Survivor castaway na si Solenn Heussaff? Sa panayam ni entertainment reporter Lhar Santiago, ikinuwento ni Annabelle kung gaano siya nag-e-enjoy sa paggamit ng social networking site na Twitter. Katunayan, nakadalawang account na siya matapos ma-hack ang una niyang account. Ayon kay Annabelle, nagulat siya nang isang araw ay hindi na niya mabuksan ang kanyang dating Twitter account matapos siyang mag-tweet para sa mga nais mag-artista at i-post ang kanyang e-mail account. “Nung sinabi ko kasi na kailangan kong maghanap ng mag-aartista, mag-apply sa’ken doon talagang dumami nang dumami gustong mag-apply kaya siguro naano na, napatay na (ang Twitter account)," pahayag ng ina ni Richard sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Biyernes.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Dagdag pa ni Annabelle, ang Twitter na rin daw ang nagsisilbing paraan niya para makipag-communicate sa kanyang mga anak. Talagang minabuti raw niyang matutunan ang Twitter dahil hindi madalas sumagot sa text ang mga anak niya. “Sa mga text ko hindi sumasagot, ‘pag nag-tweet na 'ko sa kanila, kanya-kanyang sagot na sila kaya tuwang-tuwa naman ako…si Rufa (Gutierrez) takot na takot, ‘mommy ha careful kung ano mga sinasabi mo, text mo na lang sa’ken ‘wag na sa Twitter,’" kwento ni Annabelle. Boto ba kay Solenn? Kasabay nito, sinabi sa ulat ni Lhar na hindi na umano nagulat Annabelle sa mga naglalabasang balita na ini-uugnay ang castaway na si Solenn sa anak niyang si Richard, host ng nangungunang reality series sa GMA 7 na Survivor Philippines: Celebrity Showdown. Hindi naman itinanggi ni Annabelle na nagpupunta sa bahay nila si Solenn dahil kaibigan daw ito ni Raymond na kakambal ni Richard. Dagdag pa ni Annabelle, binata naman si Richard kaya walang problema kung ma-link ito at makipag-date basta huwag lang muna itong papasok sa seryosong relasyon. Ibig bang sabihin ay boto siya kay Solenn? “Okey lang si Solenn mabait siya, saka ang importante sa’ken babae na marunong rumespeto sa parents," ayon kay Annabelle. – Fidel R Jimenez, GMANews.TV