Filtered By: Showbiz
Showbiz

Charice nominated for 2010 Teen Icon Award


Kabilang ang Pinay international singing sensation na si Charice Pempengco sa mga nominado para sa online voting ng J-14 magazine’s Teen Icon Awards. Napag-alaman sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Sabado, na ito ang unang Teen Icon Awards ng J-14 website upang parangalan ang mga itinuturing hottest teen stars, movies, television shows, music, at web stars sa nagdaang taon. Bukod kay Charice, nominado rin sa kategorya ng “Icon of Tomorrow Award," sina Bella Thorne, Bridgit Mendler, Cody Simpson, Frankie Jonas at Greyson Chance. Ang mga nais bumoto ay maaaring bumisita sa website ni Charice at sa J-14 website. - FRJ, GMANews.TV