Filtered By: Showbiz
Showbiz

Ibaloi elder reacts about Robin-Mariel ‘wedding’ in Baguio City


Isang Ibaloi elder na nandoon mismo sa sinasabing “kasalan" nina Robin Padilla at Mariel Rodriguez sa Baguio City noong Setyembre 13, ang nagbigay ng pahayag kung ano talaga ang nangyaring seremonya. Noong nakaraang linggo ay kumalat ang balitang pagpapakasal nina Robin at Mariel sa ilalim ng Ibaloi rites sa lupain ng pamilya ng ina ng aktor sa Baguio. Ito ay dahil sa paglabas ng isang larawan kung saan nakitang nakasuot ng katutubong damit ang dalawa na tila binebendisyunan ng isang Ibaloi priest. May mga kuwestiyon sa naturang seremonya partikular kay Robin dahil nagpa-convert ito noon bilang Muslim.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Ngunit sa ulat ni entertainment reporter Nelson Canlas, inihayag ng isang Ibaloi elder na hindi seremonya para sa kasal ang nangyari. Sa halip, iyon umano ay pa-blessing sa papaalis na anak ni Robin na si Ali, at ganuon na rin kay Mariel. Umalis nitong Lunes si Ali patungong Australia para makapiling muli ang ina na si Liezl Sicangco na dalawang taon ng hiwalay kay Robin. “I did not…have nothing to say. I did not see a weeding, I did not see a celebration, except so many people who claimed they are Ibaloi," pahayag ni Cecille Affable, Ibalo priestess, sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Martes. “Ibang tao ang nagpalabas, nabigla kami lahat diyan, at hindi kami handang sagutin yan…walang puwedeng magtampo sa atin sapagkat wala tayong pinasisinungalingan, walang tayong inaamin," ayon naman kay Robin. Samantala, sinabi ng anak na dalaga ni Robin na si Queenie na naimbitahan siya sa naturang pagtitipon ngunit hindi siya nakarating dahil mayroon siyang trabaho. Sa panayam sa telepono ng Startalk nitong Sabado, sinabi ni Liezl na hindi na siya nagulat sa balitang ikinasal na sina Robin at Mariel dahil minsan na rin umanong naibalita sa kanya ng mga anak ang pagpapakasal noon pa man ng dalawa. – FRJimenez, GMANews.TV