Filtered By: Showbiz
Showbiz

Lovi Poe’s billboard endorsing underwear brand graces EDSA


Marami ang nasurpresa at humanga sa sexy billboard ni Lovi Poe na makikita na ngayon sa EDSA highway. Dahil daring ang pose ni Lovi, may mga nagtatanong kung aprubado ba ito ng rumored boyfriend niya na si Ilocos Sur Rep Ronald Singson. Abala ngayon si Lovi sa pagpromote ng movie niyang White House. Sa naturang pelikula, ginampanan ng aktres ang character ng isang contestant sa isang reality show na ginawa sa isang haunted house, ayon kay entertainment reporter Lhar Santiago.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Ayon sa aktres, naging maganda ang kanyang working relationship sa kanyang mga co-stars. Bukod sa movie, may dalawang show si Lovi sa GMA -7 kaya hindi na raw sila madalas magkausap ni Singson na nasa Hong Kong dahil sa kinakaharap na kaso. “Paminsan na lang kami nakakapag-usap ngayon. But then I make sure para pinaparamdam ko sa kanya na nandito pa rin ako para suportahan siya,’ pahayag niya sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Martes. At nang tanungin si Lovi kung alam ba ni Ronald ang sexy billboard niya kung saan nag-endorse siya ng isang underwear brand, sagot ng young actress: “Of course, natuwa naman…all of my friend are happy…maganda, proud naman siya." - FRJimenez, GMANews.TV

Tags: lovipoe