Filtered By: Showbiz
Showbiz

Does Czarina Gatbonton need interpreter for Miss World pageant?


Dahil sa pagsagot sa wikang Filipino sa finals night ng Binibining Pilipinas pageant, may ilang nangangamba kung kakayanin ni Bb Pilipinas World Czarina Gatbonton na sumagot sa wikang Ingles pagdating sa international pageant. Nakatakdang katawanin ni Czarina ang Pilipinas sa Miss World Pageant sa Oktubre 30, na gaganapin sa China. Pero sa panayam ni entertainment reporter Lhar Santiago, confident na sinabi ni Czarina na hindi na niya kailangan ang interpreter sakaling makaabot siya sa question and answer portion sa pagsabak niya sa Miss World pageant.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV “No, I will answer it in English na, hindi na po Tagalog," pahayag ng Pinay beauty queen sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Huwebes. Nabuhay din ang usapin sa paggamit ng interpreter ng mga Pinay beauty queen na sumasali sa mga prestihiyosong international pageant dahil sa paniwala ng marami na baka nakuha ni Miss Universe 4th runner Ma Venus Raj ang korona kung hindi sumabit sa bahaging “major major" ang kanyang sagot sa QandA portion. Sinabi sa ulat na pinaghandaan ng Bulacaña beauty ang pagsabak sa Miss World dahil sumalang siya sa masusing training sa pasasalita sa ibang wika katulad ng Spanish at Mandarin. Nagkaroon din siya ng review sa Philippine history at literature, gayundin sa tamang paglakad at pagdadala sa sarili. Hindi rin umano kinakabahan si Czarina na humarap sa mga Chinese pagkatapos ng madugong hostage crisis sa Quirino grandstand sa Maynila noong Agosto 23 kung saan walong turista mula sa Hong Kong ang nasawi. “Sana kami na rin po yung maging way, maging best na represent ng country na makita nila na ang mga Filipino is loving talaga, caring and hospitable. So, sana po kami na yung magiging ambassador of goodwill," pahayag ni Czarina. – FRJimenez, GMANews.TV