Filtered By: Showbiz
Showbiz

Newest member of 'SexBomb': Cebuana wins Danz Showdown


Ang pambato ng Cebu ang pinakabagong miyembro ng sikat na all female dance group na 'SexBomb' matapos siyang magwagi sa grand finals ng GMA 7 dance contest na Danz Showdown. Mula sa pito, nakasama si Dona Veliganio sa tatlong contenders na nakipag-showdown sa “killer moves" ng pambato ng SexBomb girls na sina Che-che, Aira at Rochelle. Pero sa huli, sinabi ni entertainment reporter Nelson Canlas, na nanaig ang tubong-Bantayan Island sa Cebu na si Dona. Bukod sa napabilang siya sa sikat na dance group na SexBomb, nagwagi rin siya ng cash price na aabot sa P1 milyon.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV “Wala po talagang imposible kay Lord lalo na po kung nagsisikap…kapag pinupursue mo lahat ng mga dreams, wala talagang imposible," pahayag ni Dona sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Biyernes. Ayon kay Dona, nagkaroon na siya ng pagkakataon na maki-bonding ang ibang miyembro ng SexBomb at hindi raw mahirap pakisamahan ang mga ito. “Hindi na po sila iba, parang ordinaryo lang po. Akala ko nga po iba sila pero super-jamming po, napaka-friendly nila," kwento ng dalaga. Siyempre, hindi rin nakalimutan ni Dona na pasalaman ang lahat ng mga bisaya lalo na ang kanyang mga kababayan sa Cebu na suporta sa kanya ng husto lalo na sa text votes. Sinabi nito na hindi niya makakamit ang tagumpay kung wala ang tulong ng kanyang mga kababayan. - Fidel R Jimenez, GMANews.TV