Filtered By: Showbiz
Showbiz

iGMA: ‘Okay lang na pagpiyestahan, ‘di naman nila makukuha e’ – Carl Guevarra


Matapos ang ginawa niyang pagrampa sa Cosmo bash, marami ang nag-aabang sa next step na maaaring gawin ng Kapuso hunk na si Carl Guevarra. Kapansin-pansin ang patuloy na pagganda ng hubog ng katawan ni Carl sa kanyang show ngayon na Bantatay. And proud naman si Carl dahil pinaghirapan niya ang kanyang katawan ngayon. His career has also taken a turn for the sexy side dahil sa ginawa niya last month noong rumampa siya sa Cosmopolitan Bachelor Bash, where he showed a little bit of his back side. At marami nga ang nag-aabang kung tuluyan ba siyang magpapa-sexy. Handa ba siya para rito? “Oo, depende naman sa pagpapa-sexy mo kung malaswa siyang tignan, o ano, depende po yun e," sagot ni Carl. Gaano naman kaya ka-sexy at daring ang kayang gawin ni Carl? “Sa akin, yung ginawa ko sa Cosmo, yun na yung pinaka-daring," pag-amin niya. Hindi naman naco-conscious si Carl sa atensiyon na kanyang nakukuha from being more daring and showing off more of his body. Instead, he welcomes it with open arms. “Okay lang na pagpiyestahan, ‘di naman nila makukuha e," pahayag niya. Dahil sa kanyang pagpapa-sexy ay naikukumpara na siya ngayon sa isa sa mga hottest Kapuso male stars, ang kanyang co-star na si Wendell Ramos. How does Carl feel about that? “Sa'ken, masaya ako kasi si Kuya Wendell, kasama ko sa Jejemom ‘yan. Ang sa’kin kasi, ina-idolize ko yan kasi kahit ganun na siya, inaalagaan niya ang pangangatawan niya, at saka mabait." Patuloy na mapapanood si Carl sa Bantatay at Jejemom only on GMA 7. - Karen de Castro, iGMA.tv
LOADING CONTENT