Filtered By: Showbiz
Showbiz

Pretty newbie to sing RP anthem in Pacquiao-Margarito bout


Baguhan sa recording industry ang napili ni Pinoy boxing icon at Saranggani Rep Manny Pacquiao para kumanta ng 'Lupang Hinirang' sa laban niya kontra kay Antonio Margarito sa US sa Nobyembre. Si Zyrene Parsad, third placer sa talent search na Are You The Next Big Star?sa GMA 7 ang napili ni Manny, ayon sa ulat ni entertainment reporter Nelson Canlas. Sinabi ni Zyrene na hindi siya makapaniwala na siya ang napili ni Manny na kumanta ng pambansang awit. Plano raw niyang pumunta sa National Historical Institute upang humingi ng pointers. Matatandaan na ilang ulit pinuna ng NHI ang rendisyon at tiyempo ng mga dating mang-aawit na kumanta ng Lupang Hinirang sa mga nakaraang laban ng tinaguriang ‘Pambasansang Kamao.’
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Napili raw ni Manny si Zyrene dahil humanga ang kongresista nang kantahin nito ang Lupang Hinirang sa isang event na kanyang inorganisa noong nakaraang buwan. “Nakanta ko yung Philippine national anthem na tama tapos nasabihan pa ko ng maganda, me feedback po ako na maganda…hindi ko naman po ini-expect kasi in my entire life I haven’t sang the Philippine national anthem sa madaming tao," pahayag ng dalaga sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Miyerkules. Kasama rin sa paghahandang ginagawa ni Zyrene ay ang pag-alis ng kanyang braces sa ngipin para maging maayos ang kanyang pagbigkas sa pambasang awit. “Kapag nagpa-practice po ako, napapansin po ng mga tao its more on yung hangin …’s,’ ‘h,’ So masyadong mahangin po yung pagkanta ko nang Lupang Hinirang because of my braces," paliwanag niya. Labis ang pagsasalamat ni Zyrene dahil matataon ang pagkanta niya sa laban Pacquiao-Margarito fight sa Nobyembre 13, kasunod naman sa pag-release sa Oktubre ang kanyang first recording album. Ayon sa baguhang singer, acoustic jazz na about love ang laman ng kanyang album. Very proud naman si Regine Velasquez sa narating ni Zyrene na produkto ng show kung saan siya ang naging host. “Galingan mo…well I’m proud of you, good luck," ayon kay Regine. Ilan sa mga nakakanta na sa laban ni Pacquiao ay sina Regine, Karylle, Kyla, Geneva Cruz, Ciara Sotto, Martin Nievara, Arnel Pineda, at ‘La Diva’ na sina Jonalyn Viray, Aicelle Santos at Maricris Garcia. – Fidel R Jimenez, GMANews.TV