Filtered By: Showbiz
Showbiz

iGMA: Iza Calzado on her new role: ‘It was worth the wait’


Matagal naghintay si Iza Calzado sa kanyang bagong project, at nang malaman kung ano ito at kung ano ang kanyang magiging character, sinabi ng aktres na, 'it was worth the wait.' “It was worth the wait. And maybe I needed that time to prepare for it without even knowing na ito yung nakalaan para sa’kin," ayon kay Iza tungkol sa bagong series ng Kapuso na Beauty Queen.

Ito ang masasabi ni Iza tungkol sa kanyang bagong role sa upcoming primetime drama na Beauty Queen. “I always believe naman, I always have faith na there was a reason for everything and always is." Siyempre, matagal man niyang hinintay ang kanyang bagong project ay hindi naman niya inasahan na magiging ganito ka-demanding ang kanyang bagong role. “Wala po akong kaide-idea, kailan lang ako nagkaroon ng idea, at nanginig ako nung una kong narinig yun. Sabi ko, ‘Seryoso ba ako?’" pag-amin niya. “So nung panghapon siya, nanginginig pa rin, pero nung pinrimetime siya tapos may mga demands na certain demands na talagang I have never done in my entire nine years in this business, I was really... Parang, ‘Banyo muna ako kasi hindi na kaya ng ulo ko,’ parang maduduwal ka sa takot." At dahil malayong-malayo nga ito sa kanyang huling naging role, and she plays the role of a beauty queen, hindi ba naninibago si Iza sa mga preparations na kailangan para sa kanyang character? “Alam mo, mabusisi talaga siya, pero same din naman. Actually ang Encantadia mabusisi din siya. Nagpapalit-palit din kami ng itsura. Iba lang siguro yung magiging perception. As compared to being perceived as a goddess-fairy kind of person, you will now be perceived that looks like a beauty queen, or tries at least," she says. “I will try, at least." Malapit na ang pagsisimula ng Beauty Queen kaya make sure to watch out for Iza and the rest of the cast this October on GMA 7. – Karen de Castro, iGMA.TV
LOADING CONTENT