Filtered By: Showbiz
Showbiz

Assunta’s husband Rep Jules Ledesma reacts to gay rumors


Sinagot ng mister ni Assunta de Rossi na si Rep Jules Ledesma ang mga kontrobersiyal na isyu na ibinabato sa kanya, pati na ang umano’y kanyang pagiging bakla. Sa bahagi ng panayam ni GMA News reporter Rhea Santos para sa Reporter’s Notebook, inamin ni Ledesma ang madalas niyang pagliban sa sesyon ng Kamara de Representantes noong nakaraang 14th Congress. Ngunit paglilinaw ng kongresista, hindi man siya nakikita sa plenaryo ay nasa opisina lang siya at doon nakikinig ng talakayan ng mga mambabatas. Sinabi ni Ledesma na hindi niya nais makibahagi sa deleberasyon sa plenaryo lalo na kung wala umanong kabuluhan ang tinatalakay. Nang tanungin kung nasaan siya sa pagbubukas ng 15th Congress nitong Hulyo, sinabi ni Ledesma na nasa opisina rin lang siya sa Kamara.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV “Nandito po ako, nandito (opisina), I was interviewing applicants. When I opened the television sabi ko oh my God…I mean…grabeng…di ba? Everybody was there, sabi ko I can listen to the speech, I’m here in spirit, I’m listening to him…" paliwanag niya sa ulat na inilabas sa GMA news 24 Oras nitong Martes. Kasunod nito ay tinanong na ni Santos ang kongresista tungkol sa alegasyon na nalulong ang mister ni Assunta sa ilegal na droga. “Do you know what, in college I guest everybody tried that. I graduated with honors how do you do that?" sagot niya. Kasunod nito ay nagpahabol si Ledesma na tanungin siya tungkol sa alegasyon na isa siyang bakla. “Are you gay?" tanong ni Santos. “How do you know? I don’t know, maybe, maybe not," sagot ng mambabatas. December 2002 nang magpakasal sa civil rites sina Assunta (19-anyos lang noon) at Ledesma (na 41-anyos naman). Pagkaraan ng dalawang taon (Marso 2004), magpakasal naman sila sa Sanctuario de San Antonio sa Forbes Park, Makati City. Sa kabila ng mga intriga sa kanilang pagsasama, sinabi ni Assunta na masaya siya sa kongresista kahit may pagkakataon na wala itong panahon sa kanya. Ayon kay Santos, tiniyak ni Ledesma na ibang Jules Ledesma na ang makikita ng publiko ngayong 15th Congress. - FRJimenez, GMANews.TV

LOADING CONTENT