Filtered By: Showbiz
Showbiz

Rhian Ramos’ bday wish for cancer-stricken children


Muling ipinagdiwang ng Kapuso star na si Rhain Ramos ang kanyang kaarawan kasama ang mga batang may sakit na cancer. Kasabay nito, may inamin din ang dalaga tungkol sa relasyon nila ng television host na si DJ Mo. Sinaksihan ni entertainment reporter Audrey Carampel, ang tradisyunal na pagdiriwang ni Rhian ng kanyang kaarawan sa Child House sa Quezon City. Sa Child House pansamantalang tumutuloy ang mga batang may cancer na galing sa mga probinsya habang nagpapagamot sila sa Maynila. Nagdala si Rhian ng clown at magician sa Child House para pasayahin ang mga bata. “Ito yung pinaka-special para sa’ken kasi ito yung tradisyon ko na ‘pag birthday ko…ano kilala na ko dito (sa Child House), dito ako nagse-celebrate," pahayag niya sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Martes.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Pagkatapos ng kainan, ang mga bata naman ang nahandog ng awit sa Kapuso star. May nagbigay din sa kanya ng mga sulat na nagpatulo sa kanyang luha. Inialay ni Rhian ang kanyang birthday wish sa mga bata na sana ay makahanap ng malilipatan ang Child House dahil hanggang sa Nobyembre lamang ang taning sa inuupahan nilang gusali. “Sana makahanap ng bagong building para sa Child House kasi alam ko ngayong Nobyembre lilipat na sila. Para tuluyan silang makatulong sa mga lahat ng iba pang mga bata," ayon kay Rhian. Hindi rin nakaiwas si Rhian sa tanong tungkol sa tunay na relasyon nila TV host DJ Mo na umamin na nililigawan ang dalaga. “Matagal ko nang itinuring siyang (DJ) friend, actually hindi lang friend parang best friend pa. Ngayon lumabas na nga ‘yon, sinabi na niya parang feel ko maraming magbabago. Pero hindi ko pa alam kung paanong direksyon," ani Rhian. - FRJimenez, GMANews.TV