Filtered By: Showbiz
Showbiz

Iza Calzado, the new ‘retoke’ queen?


Sa teaser ng bagong primetime series na Beauty Queen, marami ang nagulat sa kaseksihan ngayon ni Iza Calzado nang rumampa ito na naka-two piece swimsuit. May ilan tuloy ang nagtanong kung niretoke ba ang sexy figure ng aktres? Sa press launch ng bagong series ng Kapuso Network na Beauty Queen, sinabi ni entertainment reporter Audrey Carampel, na mistulang mga candidates sa isang beauty pageant na ipinakilala ang mga lead stars na sina Iza, Katrina Halili, at Maggie Wilson. Ang tatlo ang magpapatalbugan sa bagong aabangang series. Katunayan, sa isang malaking billboard sa Edsa ay agaw pansin na ang kaseksihan ng tatlo na nakasuot ng two-piece swimsuit.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Ayon kay Iza, nagulat siya nang makita ang higanting billboard. At kahit hindi sanay sa bagong image na sexy, sinabi ng dalaga na iniisip na lamang niya na character lang ang naturang katauhan. “Ang nasa utak ko talaga, this is a role and I’m doing this just for this project. With that in mind, I just let go of all apprehension," pahayag niya sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Miyerkules. Nagpahayag naman ng paghanga ang leading man ni Iza na si TJ Trinidad sa ipinakitang determinasyon ng aktres. Batid daw ng aktor ang ginawang paghahanda ni Iza sa role nito. Ilang buwan daw nagda-diet, nagwo-workout si Iza at makikita naman ang resulta sa bagong hubog ng katawan ng aktres. Bagaman marami raw sa kanila ang nagulat, sinabi ni TJ na hindi siya nagtaka sa kaseksihan ngayon ni Iza.. Ang ilang nagdududa sa sexy figure ni Iza ay hindi naiwasang magtanong kung produkto ba ito ng tinatawan na “salamat po duktor." At ang naging tugon ni Iza, pang-beauty pageant na sagot: “I may not be perfect, no one is. But at least I can say that I improve myself and I am far already from what I used to be." — FRJimenez, GMANews.TV