Filtered By: Showbiz
Showbiz

iGMA: Endless Love bids farewell


Bago pa man ang naganap na pagtatapos ng top-rating primetime soap na Endless Love nitong Biyernes ng gabi, the casts say their last goodbyes to all their supporters. Dingdong Dantes and Marian Rivera’s interviews courtesy of Showbiz Central.

Dingdong Dantes: Noong patapos na ang Endless Love, nag-usap kami [ni Marian]. Actually hindi ko nga nasabi sa kanya, tinext ko lang na, “Sobrang mami-miss kitang katrabaho." Parang hirap ka talagang ma-realize pag dumating ka sa point na iyon pero at least nasabi ko sa kanya kahit sa text lang…it is one memorable show for us so we wanna share this with you. Bela Padilla: Mami-miss ko sa Endless Love, syempre our directors, sina Direk Mac [Alejandre], Direk Andoy [Ranay] mami-miss ko iyan. Lahat ng staff namin, from our E.P. down to our utility men, kasi lahat isang family na. And I was with them kasi in Totoy Bato and lahat kami naging close na and hindi na sila iyong magiging production team namin sa Captain Barbel, makakapanibago pero okay naman, at least we get to meet new people pero mami-miss ko talaga sila. To all the supporters, thank you so much for bringing me to where I am now. I really do appreciate the support. Dennis Trillo: Syempre madami akong mami-miss diyan. Marian and Dingdong, iyong direktor namin, buong staff and crew. Iyong buong working environment kasi ng Endless Love naging sobrang gaan para sa akin. Kahit masalimuot iyong kuwento niya towards the end, iyong atmosphere sa set, iyong vibe noong workplace iba talaga. Kaya lahat kami nag-excel sa ginagawa namin. Sa lahat ng nanood, tumangkilik, sumubaybay mula umpisa, maraming salamat. Lagi ninyong suportahan ang Kapuso shows. Janice de Belen: Alam mo masaya kasi, maganda ang samahan noong mga artista, maganda iyong samahan pati sa staff and crew. Mami-miss ko iyon. Sabi ko nga sa status ko sa Facebook, “Mami-miss nyo ako." Pero syempre mami-miss ko talaga sila. Sa lahat ng sumuporta sa Endless Love sila naman ang reason kung bakit number one ang Endless Love. Kami, we do our job. We do our best and the response would come from them. Pag maganda iyong response, syempre galing sa kanilang lahat iyon. Gabby Eigenmann: Actually lahat [mami-miss ko]. Well, una I’ll miss Janice [de Belen] kasi nga sarap, first time ko siya makatrabaho and it brings out the best in me. Of course Marian [Rivera] kasi nga from Marimar, from Super Twins, ang dami na naming pinagsamahang projects. Iyong treatment niya sa akin, magaan na kasi kami sa isa’t isa. Actually buong staff mami-miss ko kasi they’ve been nice to me. Most of the staff ay first time ko makatrabaho, pero iyong treatment nila to everyone, especially for me, parang no different na matagal ko na silang kakilala. Iyon ang mga nakaka-miss sa buong soap. Sa lahat ng mga patuloy na sumusuporta sa Endless Love maraming, maraming salamat. Kung wala sila, kung hindi sila nagpupuyat para sa amin, hindi namin ibibigay lahat ng makakaya namin to give the best show for them. Para talaga sa kanila ito. Marian Rivera: Mami-miss? Ba’t ko siya [Dingdong Dantes] mami-miss, e parati kaming magkasama...masaya kami na natapos ang Endless Love na iiyak kayo sa ending. Sa mga taong nagmamahal sa amin, salamat sa inyo. - Ayessa De La Pena, iGMA.TV.