Filtered By: Showbiz
Showbiz

President's sister Ballsy says her brother likes much younger women


Nakiusap sa publiko si presidential sister Ballsy Aquino-Cruz na hayaan ang kanyang kapatid na si Pangulong Noynoy Aquino III na makipag-date paminsan-minsan. Pero may interesting observation si Ballsy tungkol sa mga babae na nauugnay ngayon sa most eligible bachelor sa Pilipinas. Mula nang mapaulat na hiwalay na sina Pangulong Noynoy at nobya nitong si Valenzuela Councilor Shalani Soledad, ilang ulat na ang naglabasan tungkol sa mga babaeng iniuugnay sa pangulo. Kapuna-puna na pawang nasa 20’s ang edad ng mga babaeng inuugnay sa 50-anyos na pangulo tulad ng stylist na si Liz Uy, reporter na si Patricia Ann Roque at isang Barbie Paragos. “Nung bago siyang maging pangulo e tinatanong niya sa amin ano bang mga usam… si Kris (Aquino) ang natatanong namin dahil yung mga nilalabas niya (Noynoy) mas nalalapit sa age ni Kris, ngayon nalalapit na sa age ng mga pamangkin niya," nakangiting kuwento ni Ballsy kay GMA News reporter Sherrie Ann Torres sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Martes. Sa kabila ng ingay ng hiwalayan nila ni Shalani, nakiusap si Noynoy sa media na ipaubaya na lamang sa kanya ang impormasyon tungkol sa kanyang buhay-pag-ibig. Matapos kumalat ang larawan ni Noynoy habang ka-date ang isang babae na nagngangalang Barbie, sinabi ng pangulo na baka iyon na ang huling pagkakataon na kasama niya ang babae dahil ayaw nitong maging sentro ng atensiyon.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV “Yung nakasama ko dun (sa date), ‘di na kami magkikita muli dahil ayaw niyang center of attraction siya," pahayag ni Noynoy sa media. Sa Chika Minute nitong Martes, sinabi ni Ballsy na sa kabila ng posisyon ng kanyang kapatid ay katulad pa rin ito ng karaniwang tao…at isang binata. “I think he’s just human pagbigyan na rin sana ng mga tao makaka-date siya once in a while, siguro once in a month…pero bilang isang binata hindi mo rin naman mawawala na paminsan-minsan e meron din naman siyang mga kaibigang babae na nakakasama. Alam ko bihira nang nangyayari ‘yon (ngayon)," paliwanag ng panganay na kapatid ni Noynoy. Maliban kay Kris, sinabi ni Ballsy na hindi umano nila pinapakialaman ang kanilang buhay-pag-ibig. Inamin din niya na Agosto pa niya huling nakausap si Shalani nang batiin siya sa kanyang kaarawan. Mas malapit din umano ang konsehala kay Kris. Inihayag din ni Ballsy na handa silang tanggapin anuman ang maging desisyon ni Noynoy sakaling piliin nitong tuluyan na tumandang binata o kahit biglang maisipan na mag-asawa. Samantala, pinabulaanan naman ni Presidential spokesman Edwin Lacierda ang tsismis na nakipag-date si Noynoy kay Liz kaya hindi nakadalo sa pulong kamakailan ng National Disaster Risk Reduction Management Council o NDRRMC. - FRJimenez, GMANews.TV