Filtered By: Showbiz
Showbiz

PEP: Jennylyn says Patrick turned down offer to co-star with her in Little Star


Pagkatapos ng Gumapang Ka Sa Lusak, ang afternoon soap na pinagbidahan ni Jennylyn Mercado, ginagawa naman ngayon ang Little Star na pagsasamahan nila nina Mark Anthony Fernandez at Lovi Poe. Gumaganap si Jennylyn dito bilang si Helen, ang personal assistant ng singer na si Gwyneth (Lovi). Mula umpisa hanggang sa matapos daw ang serye ay simple lang ang character niya rito. Pero in real life, marami ang nakakapansin na lalo siyang gumaganda at sumeseksi. "Ganoon siguro kapag wala ka nang iniisip na problema. Kapag masaya ka naman at ang mga tao sa paligid mo, very positive at very optimistic ang mga tao na nakapaligid sa kanya," nakangiting sabi ni Jennylyn. Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press si Jennylyn sa presscon ng Little Star Huwebes ng gabi, October 21, sa 17th floor ng GMA Network Center. PATRICK OUT. Hindi naman itinanggi ni Jennylyn na dapat ay kasama rin sa cast ng Little Star ang dati niyang boyfriend na si Patrick Garcia at ama ng kanyang anak. Pero hindi ito natuloy, at hindi naman dahil sa kagustuhan ni Jennylyn. "No, hindi ko siya pinagbawalan at all," paglilinaw ng young actress. "Kinausap ko lang siya na, 'Ano, gusto mo ba? Kung gusto mo, okay lang naman sa akin.' "Kaya lang, sabay kami na hindi namin makakasama si Jazz. Siyempre, kapag walang trabaho, sa akin. Naisip niya rin na, 'Oo nga, 'no? Sige, huwag na lang.'" Dagdag niya, "Kung gusto naman niyang talaga, e, di sana ngayon siya ang kasama ko. "Hindi ko naman siya puwedeng diktahan dahil, unang-una, hindi ko naman siya boyfriend at hindi ko naman siya asawa. Meron siyang freedom na gawin kung ano ang gusto niyang gawin. Hindi ko naman siya puwedeng hawakan sa leeg, e." Malabo naman daw nilang maisama ang anak nilang si Alex Jazz sa taping dahil marami raw lamok sa location nila. Supposedly, ang role daw dapat ni Paolo Contis ang magiging role ni Patrick. "Bale magiging love interest ko," banggit ni Jennylyn. Hindi kaya natatakot lang siya na manumbalik ang dati nilang pagmamahalan ni Patrick kung nagkasama silang muli sa isang project? "Hindi. Palagi naman kaming nagkikita... Wala naman talaga. Wala talaga. Siya ang hatid-sundo kay Jazz sa school," sagot niya. RESPONSIBLE FATHER. Sa kabilang banda, masasabi ni Jennylyn na nagagawa ni Patrick ang responsibilidad nito ngayon bilang ama kay Alex Jazz. "Oo naman," nakangiti niyang sabi. Napupunan na rin ba ni Patrick yung panahong wala ito sa buhay ng kanilang anak? "Oo, siyempre wala nang problema," sagot niya. "Basta masaya na yung part ng family ko. Family ni Patrick, I think, happy na rin. Lahat, okay na...wala nang problema." Nang tanungin naman ng PEP si Jennylyn kung paano niya ipaliliwanag sa kanyang anak ang konsepto ng isang pamilya kung saan magkasama ang ina at ama, sinabi niyang hindi pa niya pinag-iisipan ang bagay na ito. Two years old pa lang naman si Alex Jazz kaya hindi pa nito alam na hindi magkasama ang kanyang mga magulang sa isang bahay. Natawa naman si Jen nang may magtanong kung hindi ba nalilito si Jazz kay Patrick at sa boyfriend ng young actress na si Dennis Trillo. "Hindi, hindi dapat ganoon!" natatawa niyang sabi. Tumanggi namang pag-usapan ni Jennylyn ang tungkol sa apelyido ng anak, kung Mercado pa rin ang gagamitin nito o isusunod na sa family name ni Patrick na Garcia. "Ayoko munang pag-usapan. Kasi, wala namang point para pag-usapan. Okay naman na lahat. Hindi naman na niya [Patrick] kinukuwestiyon sa akin yun. "So, wala na... wala nang problema. Hindi na isyu sa aming dalawa yun. Huwag nang gawan ng isyu," pakiusap niya. DENNIS BEING PAIRED WITH HEART. Wala naman daw problema kay Jennylyn kung sa next project ng boyfriend niyang si Dennis ay si Heart Evangelista naman ang magiging kapareha nitong muli. Dati nang nagkatambal sina Dennis at Heart at minsan na ring na-link sa isa't isa, lalo pa't inamin ng aktor na crush niya ang aktres. Pero para kay Jennylyn, trabaho naman ang lahat. "Walang problema. Kaibigan ko si Heart. At saka, dysuko naman, trabaho 'yan, e." But in fairness, nagtatagal ang relasyon nina Jennylyn at Dennis. Ano ang sikreto nila? "Hindi ko alam!" natatawang sabi ni Jennylyn. "Ewan ko... Siguro nasa pagdadala na lang din at saka mabait naman si Dennis. Wala naman kaming puwedeng maging problema kaya siguro okay lang naman lahat." - Rose Garcia, PEP