Filtered By: Topstories
News

P152-M premyo sa super lotto 6/49 nahagip ng isang mananaya


MANILA – Isa ang nanalo sa P152 milyon jackpot price sa "Super Lotto 6/49" draw ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Martes ng gabi. Nakasaad sa website ng PCSO (www.pcso.gov.ph) na isa lamang ang nakakuha ng winning combination sa "Super Lotto 6/49" draw na may kabuuang premyo na P152,513,661.60. Ang winning combination ay 22-35-29-21-33-26. Ito ang unang pagkakataon na umabot sa P150 milyon ang premyo sa SuperLotto. Nitong nakaraang Hulyo, isa ring mananaya ang solong nanalo sa P110 milyon na premyo sa 6/49. Samantala, ang pinakamalaking jackpot price na tinamaan ay umabot sa P347 milyon na pinaghatian ng mananaya mula sa Pasig at Caloocan noong Pebrero 2009. Noong Marso 2008, napanalunan ng isa ring mananaya ang sumunod na pinakamalaking pa-premyo sa 6/49 na umabot sa P249 milyon. Samantala, wala namang tumama sa isa pang draw nitong Martes para sa 6/42 na may papremyong P14.234 milyon. Ang nanalong kombinasyon ay 24-21-12-13-34-20 Abangan isasagawang draw para sa Grand Lotto 6/55 na umabot na ang papremyo sa P267,729,429.60. - – FRJimenez, GMANews.TV
Tags: lotto, pcso