Filtered By: Showbiz
Showbiz

iGMA: Katrina Halili is happy to be in Beauty Queen


Kapag nabanggit ang pangalan ni Katrina Halili, kadugtong na nito ang sari-saring praises for her remarkable performances bilang kontrabida in several Kapuso soap operas. Muling masusubok ang kanyang husay bilang kontrabida sa bagong soap ng GMA 7 na Beauty Queen.

Masayang-masaya si Katrina nang humarap sa network press noong story conference ng Beauty Queen. Katatapos lang ni Katrina sa isa pang successful soap niyang Langit sa Piling Mo at nabigyan na naman siya ng primetime soap na pagbibidahan ni Iza Calzado. Kumusta naman kaya ang kanyang pagtatrabaho ulit kasama Iza for this soap? “Masaya kasi po nakapag-bonding na kami ulit sa Canada," nakangiting sagot ng dalaga. “Dati pa sa Atlantika po, magkapatid kaming dalawa." Bukod sa pagtatrabaho kasama si Iza and the rest of the soap’s powerhouse cast, ang isa sa mga nilu-look forward ng dalaga ay ang pagtatrabaho under the direction of award-winning director Joel Lamangan. Ngunit paglilinaw niya, hindi ito ang unang soap na ginawa niya kasama ang batikang direktor. “Second time ko [makatrabaho si Direk Joel]. Pero iyong first time sa soap, iyong una sa Obra," pagkukuwento niya, “Nag-direk na po sa akin si Direk Joel sa Obra, iyong taong grasa. Pero isang araw lang iyon shinoot, e." Ano kaya ang naramdaman niya nang magsalita ang direktor tungkol sa show? “Kanina po parang nanghihina ako, parang nawalan ako ng buto," natatawang sagot niya. “Challenge po sa aming lahat, lalo na syempre sa akin na trabaho naman po namin talaga iyong pag-aralan po namin [ang script] at saka para mas mapabilis ang mga buhay namin. Para sa amin naman din po iyon, e." Dahil hindi nababakante ang young actress, masaya siyang hanggang ngayon ay mainit pa rin ang pagtanggap sa kanya ng mga tao. Kaya naman masaya itong inilipat sa primetime slot ang Beauty Queen dahil mas maraming mga kaibigan niya ang makakapanood ng kanyang soap. “Syempre nagulat po ako [na nilipat ng timeslot]." sagot ni Katrina, “Mas maraming mga kaibigan ko ang makakapanood. Basta masaya po ako na tinatanggap ako ng tao. Syempre lagi ko pong pagbubutihan." Bukod sa kanyang bagong show, isa pang naitanong sa dalaga ay ang tungkol sa kanyang kaso laban kay Hayden Kho. Matipid at seryoso ang sagot ni Katrina na ayaw na niyang magsalita dito dahil hindi na naman ito kailangan. “Iyong ipinaglalaban [ko] hindi na kailangang ipa-TV pa. Hindi naman po kailangan iyon," seryosong sagot niya, “Baka mamaya hindi maganda iyong dating sa ibang tao kaya minsan iwas talaga ako sa mga interview. Ayoko na pangit iyong dating [sa iba ng sinasabi ko]. Kasi minsan the way na magsalita ako tas masungit pa iyong mukha ko parang ang pangit na [ng dating sa iba]." Sa ngayon ay patuloy pa rin ang hearing ng kasong isinampa ng dalaga laban sa celebrity doctor. Busy rin siya sa kanyang primetime soap na umeere na ngayon sa GMA Telebabad. Patuloy na subaybayan si Katrina, who plays Dorcas Rivas, sa Beauty Queen gabi-gabi pagkatapos ng Ilumina. - Ayessa De La Pena, iGMA.TV