Filtered By: Showbiz
Showbiz

Ellen Adarna on her 'topless' photos in the past: ‘Medyo pasaway ako dati’


Sumabak muli sa sexy pictorial para sa isang magazine ang bagong Kapuso artist na si Ellen Adarna. Pero kung dati ay nag-"topless" siya sa cover ng isang men’s magazine, ngayon ay “daring" na lang ang kanyang ginawa. Bakit kaya? Kahit isang linggo lang ang preparation sa kanyang photo shoot, confident na humarap sa camera si Ellen para sa kanyang sexy pictorial, ayon sa ulat ni entertainment reporter Audrey Carampel. Ito ang second time na sumalang si Ellen sa sexy pictorial para sa isang magazine. Bakit nga ba daring lang siya ngayon at hindi katulad sa una niyang photo shoot kung saan nag-topless siya?
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV “My parents won’t allow me to do it again," pagtatapat ng dalaga sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Huwebes. “Medyo pasaway ako dati eh. ‘Di nila alam ‘yon." Sa cover ng mens' magazine na lumabas noong 2008, makikita si Ellen na walang suot na damit pero natatakpan ng tila kurtina at isa niyang braso ang maselang bahagi ng kanyang katawan. Dahil sa pagiging daring ni Ellen na binansagan ding “internet sensation," marami ang nagtatanong kung handa ba siyang sumabak sa mga sexy role at makahanay nina Katrina Halili at Iwa Moto bilang sexy Kapuso stars. “Why not, if people think I’m sexy so be it…it’s good to be sexy naman. I don’t think there’s anything wrong with that," pahayag niya. Masaya at nagpapasalamat ang bagong Kapuso artist sa mga project na ibinigay sa kanya. Kasama si Ellen sa film fest movie na Agimat sa Mundo ni Enteng Kabisote, na pinagbibidahan nina Sen Bong Revilla Jr at Vic Sotto. Bukod dito, kasama rin si Ellen sa mga Kapuso show na Asar Talo Lahat Panalo at Bubble Gang. - FRJimenez, GMANews.TV

Tags: ellenadarna