Filtered By: Showbiz
Showbiz

Down to 8: Who got eliminated from Survivor Philippines?


Sa pagkawala last week ni Jon Hall sa Survivor Philippines Celebrity Showdown, marami ang nag-akala na susunod na ang kanyang girlfriend na si Michelle Madrigal. Pero sa elimination nitong Biyernes, iba ang ibinoto ng walong castaways. Sa nagdaang mga episode ng Survivor Philippines, inihayag nina Jon at Michelle na tila nagkaisahan na sila ng ibang mga castaway dahil sa kanilang relasyon bilang real life lovers. Kaya naman nang ma-vote out si Jon last week, inasahan na ni Michelle na siya na ang susunod na paaalisin. Kaya sa Tribal Council nitong Biyernes, sinabi ni Michelle sa host na si Richard Gutierrez na pinagbutihan niya ang nakaraang immunity challenge upang ipakita sa ibang castaways na lalaban siya hanggang sa huli. Sadly, natalo si Michelle sa challenge, second behind the winner na si Moi Marcampo. Nakuha ni Moi ang immunity necklace kaya hindi siya nakasama sa mga kandidatong patatalsikin sa isla. Nang bilangin ni Richard ang boto, idineklara na si Aira “The Dancing Warrior" ang ika-siyam na castaway na napatalsik sa isla. Si Aira din ang naging ikalawang member ng Jury, kasama ni Jon. Halata na hindi inasahan ni Aira ang kanyang pagkakaalis dahil nagpahayag pa siya ng kumpiyansa sa kanilang alliance during the discussion sa tribal council with Richard. Dahil dito, nagbigay na lang si Aira ng payo sa mga dating kasamahan na mag-ingat sa mga traydor at huwag basta-basta magtitiwala. Ervic Vijandre breaks down Bago ang voting, tinanong muna ni Richard ang mga castaway kung ano ang mas mahalaga sa kanila: ang P3 million cash price o ang karangalan na makuha ang titulo bilang unang Celebrity Sole Survivor? Bagaman halos magkakapareho ang sagot na kapwa mahalaga ang dalawa, higit na naging markado ang tugon ni Ervic Vijandre matapos maiyak. Kung makukuha ang P3 milyon, sinabi ni Ervic na balak niyang bigyan ng negosyo ang kanyang ina. Malaking tulong umano sa kanya ang pera dahil hindi naman daw siya katulad ng ibang kapwa artistang castaways na may trabaho kaagad kapag umalis na sila sa isla. Naglabas din ng hinanakit si Ervic dahil tila nakikilala lamang siya sa showbiz industry bilang “ex" (boyfriend) ng isang sikat na artista at tinatawag pa sa pangalan ng ibang actor. “Hindi nila alam ang pinagdaanan ko na halos masira ang ulo, akala nila nakakatawa," naiiyak niyang pahayag. Kung makukuha ang titulo bilang unang celebrity sole survivor, naniniwala si Ervic na makatutulong ito sa kanyang pagkatao para magkaroon siya ng sariling marka sa industriya. “Kapag nakita nila ako, hindi na ako aasarin ng ganun…hindi nila alam ang pinagdaanan ko," ayon kay Ervic. - Fidel R Jimenez, GMANews.TV
LOADING CONTENT