Filtered By: Topstories
News

5 estudyante sa Zamboanga City hinihinalang sinapian


Naging palaisipan ang pagkilos ng kakaiba ng limang estudyante sa isang paaralan sa Zamboanga City na hinihinalang sinapian. Sa ulat ng GMA News 24 Oras nitong Biyernes, sinabing lumakas at nanlilisik ang mga mata ng limang estudyante sa Zamboanga City High School West. Kumalma lang umano ang mga bata matapos o i-pray over ni Fr. Amado Vaño, ang tumayong spirit warrior sa Archdiocese of Zamboanga City.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Ayon kay Fr Vaño, matapos niyang ipagdasal ay ipinuwesto niya ang mga bata sa paanan ng isang krus. Kuwento naman ni Henry Ongchua, principal ng paaralan, nangyari ang insidente nang ilipat nila ng puwesto ang rebulto ng isang pumanaw na guro. Inilipat ang rebulto dahil sa ginagawang kantina ng paaralan. Sinabi ni Ongchua na patuloy ang pag-alay nila ng dasal para hindi na maulit ang insidente. – GMANews.TV