Filtered By: Showbiz
Showbiz

Heart ailment worries actress Jennylyn Mercado


Aminado ang Kapuso actress na si Jennylyn Mercado na nababahala siya sa kondisyon ng kanyang puso matapos siyang “atakihin" at isugod sa ospital noong nakaraang linggo. Sa panayam ni entertainment reporter Nelson Canlas, napag-alaman na ikalawang “atake" na ang naranasan ni Jen noong nakaraang linggo ngayong taon habang nagda-dubbing para sa kanyang movie na Rosario. “Yun lips ko parang naninigas na tapos yung kamay ko nagna-numb, tapos nagko-close. Tapos yung dibdib ko parang may mabigat na nakadagan, tapos malamig na malamig yung pakiramdam ko. Tapos hindi na na’ko makahinga parang sinasakal na ko, ganun yung feeling," paglalahad ni Jennylyn sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Martes.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Idinagdag ng Kapuso star na noong nakaraang Agosto ay naramdaman na rin niya ito. Gayunman, hindi raw malaman ng aktres kung ano talaga ang nagti-trigger para siya “atakihin." Pero sa naging panayam ng Startalk last Saturday, sinabi ni Jen na posibleng labis na pagod at puyat ang maaaring nag-trigger ng "atake." Bukod sa pelikulang Rosario, abala rin si Jen sa mga Kapuso shows gaya ng Little Star. Bilang bahagi ng kanyang pag-iingat, binabantayan na ni Jen ang kanyang mga kinakain at iniiwasan na rin niyang masyadong ma-stress. Dumaan na raw siya sa lahat ng test at okey naman daw maliban sa kanyang puso na may problema na mula pa noong bata siya. Sa darating na Pasko ay balak daw ng aktres na magbakasyon upang makapagpahinga. – FRJimenez, GMANews.TV