Filtered By: Showbiz
Showbiz

Batangas first before movie projects — Vilma Santos


Inihayag ni Batangas Governor Vilma Santos-Recto na aasikasuhin muna niya ang mga proyekto sa kanyang lalawigan bago siya gumawa muli ng pelikula sa 2011. Bakas sa mukha ng Star for All Season ang kasiyahan sa surprised birthday celebration na inihanda sa kanya ng mga tauhan sa kapitolyo ng Batangas nitong Miyerkules. Bukod kasi sa kanyang mga constituents sa lalawigan, hindi rin nawala ang mga Vilmanians para bumati sa kanya sa kanyang kaarawan. “Na-shock ako kaya I’m very thankful. Halos lahat, karamihan ng mga constituents ko nandidito from different municipalities…nandito rin yung mga Vilmanians at kasama rin sila mga bumati," kuwento ni Vilma kay entertainment reporter Lhar Santiago sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Huwebes. Wala sa naturang pagtitipon ang anak ni Vilma na si Luis (Lucky) Manzano dahil nasa Thailand umano ito para magshoot ng isang commercial. Pero present sa kapitolyo ang kanyang mister na si Senator Ralph Recto at anak na si Ryan Christian.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Sinabi ng batikang aktres na nakatutok siya ngayon sa Batangas at hindi muna siya gagawa ng pelikula hanggang hindi naaayos ang mga ito. “Ito ang concentration ko ngayon, Batangas. Now ‘pag na-implement na lahat ‘yan, naibigay ko na lahat, naayos na, ongoing lahat ng projects, its just a matter of monitoring na lang, then I can do another film," deklara niya. Samantala, sinabi ni Vilma na welcome din ang napabalitang pagbabalik sa bansa bago matapos ang taon ng kanyang karibal sa takilya noon na si Superstar Nora Aunor. Sa ulat ng online showbiz news na Philippine Entertainment Portal o PEP, sinabi ni German "Kuya Germs" Moreno, matalik na kaibigan ni Nora, na posibleng dumating sa bansa ang Superstar star sa ikalawa o ikatlong linggo ngayong buwan ng Nobyembre. “That’s good for her," ayon kay Vilma sabay sa pag-alaala na last minute ay biglang hindi makarating si Nora sa premiere ng pelikulang In My Life sa Los Angeles noon dahil biglang nagkaroon ng bisita ang nag-iisang Superstar. - FRJimenez, GMANews.TV