Filtered By: Showbiz
Showbiz

Charice to return to Glee, joins New York Christmas special


Kinumpirma ng Pinay international singing sensation na si Charice Pempengco na magbabalik sa hit musical series na Glee ang karakter niyang si “Sunshine Corazon." Bukod dito, kasali rin siya sa gaganaping Christmas Special sa New York. Sa exclusive interview ni entertainment reporter Nelson Canlas, excited na ibinalita ni Charice na makakasama siya sa Christmas Special na gagawin sa Rockefeller Center sa New York. Ayon sa ulat, ang Rockefeller Christmas special ay nilalahukan ng mga sikat na mga personalidad sa music industry sa Amerika. Pero pagdating sa Glee, ayaw munang sabihin ni Charice kung ano ang mangyayari at kung ano ang aabangan ng kanyang mga fans sa karakter niyang si Sunshine Corazon. “But I’m not gonna say kung anong…kung kalian, kung ano ba ang mangyayari sa kanya, kung kalian ang labas niya. 'Di natin alam kung si Sunshine ba magkaka-boyfriend o magiging best friend ba sila ni Rachel," pahayag ni Charice sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Biyernes. “
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Samantala, pinag-iisipan pa umano kung anong kanta ang aawitin ni Charice sa Christmas special sa NY pero ang isa sa ikinukonsidera ay ang may titulong ‘Christmas Song.’ Sa Linggo ay nakatakdang lumipad patungong US si Charice kaya naman sinusulit na niya ang isang linggo niyang pananatili sa Pilipinas. Katatapos lang ang Asian tour concert ni Charice kasama ang kanyang ninong na si David Foster at iba pang sikat na international singers. (Read: Charice back on her feet after suffering from food poisoning) Sa kanyang bahay sa Cabuiao, Laguna, ikinuwento ni Charice ang ginawa niyang pakikipag-bonding sa kanyang mga kamag-anak at kaibigan. Bukod sa pagkanta sa videoke na labis daw niyang na-miss, sinusulit daw niya ang pananatili sa bansa sa pagkain ng mga Pinoy foods lalo na ang kanyang paboritong paksiw na isda. - Fidel R Jimenez, GMANews.TV

LOADING CONTENT