Filtered By: Showbiz
Showbiz

PNoy’s ex Shalani Soledad will be Willie Revillame's co-host?


Si Valenzuela Councilor Shalani Soledad ang sinasabing magiging co-host sa programa ng television host na si Willie Revillame. Ito ay batay sa lumabas na ulat sa Philippine Entertainment Portal (PEP) na isinulat ni Erwin Santiago nitong gabi ng Sabado. Bagaman walang kumpirmasyon, sinasabing nag-break na sina Shalani at Pangulong Benigno “Noynoy" Aquino III. Kasunod ng balitang pakikipaghiwalay kay Shalani, nauugnay ngayon si Aquino sa ibang babae partikular sa kanyang stylist na si Liz Uy – na kaibigang matalik ng bunsong kapatid ng pangulo na si Kris Aquino. Ayon sa ulat ng PEP, si Shalani, 30-year-old politician, ang tinutukoy sa blind-item report sa PEP Alerts na unang lumabas nitong Sabado na: "isang big-time at kontrobersiyal na female personality na ipapakilala ni Willie sa kanyang programa na Willing Willie sa Lunes, Nov. 8." Batay umano sa nakala na impormasyong PEP nitong gabi ng Biyernes (November 5), nagkasarahan ang negosasyon sa pagpasok ni Shalani sa programa ni Willie. Pero hindi pa malinaw kung nakakontrata na siya o nasa trial period pa lamang. Idinagdag sa ulat ng PEP na hindi na maituturing na baguhan sa telebisyon si Shalani dahil naging field reporter ito ng UNTV. – FRJimenez/HS, GMANews.TV