Filtered By: Showbiz
Showbiz

iGMA: Dingdong Dantes ready to enter politics?


Just recently, ipinakilala si Dingdong Dantes bilang youth ambassador ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA). Simula na ba ito ng political career ng aktor?

Sa press conference ng NCCA, masayang hinarap ni Dingdong ang mga member ng media para pag-usapan ang kanyang bagong role as the youth ambassador for the culture and the arts. "Nagpapasalamat ako sa trust na ibinigay nila. Kasi both private and public sectors pinagkakatiwalaan ang aking kakayahan para makaimpluensya. And I give so much credit to that because it inspires me more para mas galingan ko pa ang mga ginagawa ko bilang isang aktor," pahayag niya. Ayon sa NCCA, napili nila ang aktor dahil sa kanyang "invaluable support to the arts and culture sector, as well as his positive and wholesome image." Ang aktor din ang magiging kinatawan ng youth sector ng bansa for the celebration of the Philippine International Arts Festival 2011, isa sa mga flagship projects ng NCCA. "One of their advocacies is to promote our own talent not just here but also abroad, so everything starts kung saan tayo, which is, sa akin, bilang isang aktor. So, doon ako magsisimula," pahayag ni Dingdong. Dahil na rin sa bagong niyang responsibilidad at sa kanyang YESPinoy Foundation, sunod na tinanong ng press kung hudyat na ba ito na paghahanda niya sa pagpasok sa mundo ng politics? "Hindi," paglilinaw ni Dingdong. "Wala namang kinalaman 'yan, e. Like what I said, we all have to get out of our comfort zones, na hindi porke't kuntento na tayo sa trabaho natin, e, titigil na tayo ro'n. "Kung meron namang kakayahang gumawa ng iba, at kung may kakayahan na tumulong sa ibang cause, e, bakit hindi?" paliwanag ng aktor. - Loretta G. Ramirez, iGMA.TV