Filtered By: Showbiz
Showbiz

Who is sexier, Ehra or Michelle Madrigal?


Sumabak sa sexy pictorial ang magkapatid na Ehra at Michelle Madrigal para maging cover ng isang men’s magazine. Sino kaya sa magkapatid ang sa tingin ng mga tao ay higit na sexy? Sa ulat ni entertainment reporter Audrey Carampel, sinabi nito na pambihirang pagkakataon na nagkasama sa sexy pictorial ang Madrigal sisters para maging cover ng FHM magazine this month. At dahil ngayon nga lang ito nangyari, hindi maiwasan na may magkumpara sa magkapatid at intriga na nagpatalbugan daw ang dalawa. “Totally magkaiba talaga kami ni Michelle, siya yung model na morena na payat," ayon kay Ehra sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Huwebes.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV “Ini-stress lang nila mga sarili nila kasi sila-sila yung nag-aaway-away na, ‘hindi mas maganda si ganun, mas sexy si ganyan,’" dagdag naman ni Michelle. Kung si Ehra ay matinding diet at workout daw ang ginawang paghahanda sa pictorial, si Michelle naman tila naging preparasyon ang pagsali sa Survivor Philippine Celebrity Showdown. Sinabi ni Ehra na nagulat at humanga siya sa kanyang kapatid sa malaking pagbabago nito at tumagal sa nasabing sikat na reality series sa GMA 7. Matapos ma-vote out, miyembro na ngayon ng Jury sa Survivor Philippines si Michelle kasama ang kanyang boyfriend na si Jon Hall. Hindi naman naiwasan ni Michelle na magtaray nang matanong tungkol sa ginawang pagkuwento ng kapwa castaway na si Audrey Miles tungkol sa naging dahilan ng hiwalayan nila noon ng dating nobyo na si Jon. “Bakit after seven years, bakit kailangan pang magkuwento? Yun lang, next topic please," hirit ni Michelle. - FRJimenez, GMANews.TV