Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

"Nude Photography, Bariatric Surgery, Number Fever, Usapang Shoe-biz and Pamanang Sarap"


Episode on November 13, 2010 Saturday after Jejemom Nude Photography Photobucket Kamakailan lang, isang nude photography workshop ang idinaos sa Makati na dinaluhan ng labing-limang photographer. Dito ipinakita ang iba’t-ibang technique sa pagkuha ng mga hubad na katawan, sa artistic na pamamaraan. Layunin din ng workshop na ito na buksan ang isipan ng karamihan sa nude photography bilang isang porma ng sining, kahit pa kinokontra pa rin ito ng ilang mga moralista. Bariatric Surgery Photobucket Taong 2001 nang nakarating dito sa Pilipinas ang bariatric surgery. Isang operasyon kung saan tinatalian ang bahagi ng tiyan o bituka na magiging dahilan para humina sa pagkain ang pasyente at kalaunan ay pumayat. Makalipas ang halos isang dekada mula nang unang operasyon ng bariatric surgery sa bansa, kumusta na ba ang mga sumailalim dito? Tunay nga bang may ilan, patuloy pa ring nadagdagan ang timbang? Paanong nangyaring may ilang hindi naging epektibo sa kanila ang operasyong ito? Number Fever Photobucket Walang nanalo sa 6/55 Lotto Draw nito lamang Miyerkules. Samakatuwid, sa darating na Sabado, aabot na sa P400M ang jackpot! Kaya naman ang ating mga kababayan, patuloy pa ring nagkukumahog sa pagtaya ng kanilang mga lucky number sa pag-asang sila ang susuwertihin! Pero tunay nga bang ang mga numero, kayang kontrolin ang ating kapalaran? Ito raw ay sa pamamagitan ng Numerology, mga paniniwala sa tadhana, swerte at malas, batay sa mga numerong nakakabit sa ating buhay. Usapang Shoe-biz Photobucket Ang kanilang hilig sa sapatos, hindi lang nila dinadaan sa pagsusuot nito. Kinarir din nila kung paano ito gawing negosyo. Tulad ng apo ni Dating Unang Ginang Imelda Marcos na si Borgy Manotoc. Kilala ang lola ni Borgy sa pagkahumaling nito sa libo-libong mga sapatos. Ngayon, nakatututok naman si Borgy sa pagbebenta ng mga limited edition na sneakers. Si Kemit Tesoro naman, agaw-pansin ang disenyo ng mga binebenta niyang platform shoes. Samantang mga hand-painted wedge naman na gawa sa indigenous materials tulad ng abaca at kabibe ang obra ni Jordan Mancio ng Cebu! Mga Pamanang Sarap! Photobucket Sa dinami-dami ng mga pagkaing nakahain sa ating hapag-kainan o kahit pa sa mga restaurant, alam nyo ba ang kanilang mga pinagmulan? Ang proseso ng pagtatanggal ng mga tinik sa bangus para maging Boneless Bangus, pinangunahan pala dati ng Fishery Technologist sa BFAR ng 86 anyos na ngayon na si Gloria Guevarra . Ang naglalagablab na linamnam ng Bicol Express, alam nyo bang si Cely Kalaw pala ang nagpa-uso? Ang Banana Ketchup, isa sa mga unang gumawa ng version niyan ang Food Chemist na si Maria Orosa. Ang Pinaputok na Plapla at Crispy Kangkong una raw natikman sa isang restaurant sa Malate. Ang pinagmulan ng mga paborito nating pagkain, alamin natin ngayong Sabado ng gabi!