Filtered By: Showbiz
Showbiz

PNoy’s ex Shalani Soledad answers rumors she already has a child


Sinagot na ni Valenzuela Councilor Shalani Soledad ang mga intriga na ibinabato sa kanya mula nang maghiwalay sila ni Pangulong Noynoy Aquino III. Kasama sa kanyang sinagot ay ang intriga na isa siyang dalagang-ina. “Gusto ko na lang din pong sabihin na hindi po totoo na may anak ako," pahayag ng magandang konsehala sa panayam ni Ricky Lo, host ng showbiz talk show na StarTalk sa GMA 7 nitong Sabado. Noon pa man ay may kumakalat ng intriga na may itinatago raw anak si Shalani. Matapos mapaulat ang paghihiwalay nila ni Noynoy, na nauugnay ngayon ang pangulo sa kanyang stylist na si Liz Uy. Kung may Liz Uy si Noynoy, totoo naman kaya na may namamagitan kina Shalani at Valenzuela Mayor Sherwin Gatchalian, na ex-boyfriend ni Pauleen Luna? “What Sherwin and I have is a good working relationship, it’s very professional so hanggang dun lang po ang aming relasyon," sagot ng dalaga. “ Hindi rin po totoo na nagdate po kami ni Mayor Sherwin."
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Sa kabila nito, hiniling ni Shalani na panatilihin na lamang sa kanya ang tungkol sa mga bagay na may kinalaman sa naging relasyon nila ng pangulo na tumagal din ng ilang taon. “Siguro Tito Ricky what I would just like to say, whatever happened I would like to keep it as privately as we can… with all due respect to the persons involved," pakiusap niya. Sa panayam ng media kamakailan kay Noynoy habang dumadalo sa isang pagtitipon sa Japan, inamin nito na lumalabas sila ng kanyang stylist na si Liz Uy – na matalik na kaibigan ng bunsong kapatid ng pangulo na si Kris Aquino. (Read: President Aquino admits dating stylist Liz Uy) Hindi inihayag ni Noynoy ang kasalukuyang estado ng relasyon nila ni Liz bagaman nabanggit niya na nagdadahan-dahan pa siya dahil sa katatapos na relasyon, patungkol kay Shalani. Nang tanungin ni Ricky kung kamusta na si Shalani matapos ang hiwalayan nila ni Noynoy, tugon nito: “Hindi naman siyempre, hindi naman lahat ng nararamdaman natin nakikita o nararamdaman ng iba tao. Just like any other human beings, nasasaktan din tayo, umiiyak din tayo." Isa pang lalaki na magmamahal Sinabi ni Shalani na nagpapasalamat siya dahil may isa pang tao na puwede niyang masandalan kapag kailangan niya. Ang tinutukoy ng konsehala ay ang pagkikita nila kamakailan lang ng kanyang ama na nawalay sa kanya mula pa noong siya ay sanggol pa lamang. “There is still so much catching up to do. I’m also very thankful dahil kahit na busy siya he really finds to make time para magkita kami, magkausap kami," kuwento ni Shalani. “Masarap din na may alam kang isang tao pa na nagmamahal sa’yo, na puwede mong tawagin na anytime na you can count on," idinagdag niya. Sinagot din ni Shalani ang tanong kung tatakbo ba siya sa mas mataas na puwesto sa 2013 elections dahil huling termino na niya bilang konsehala sa Valenzuela “Hanggat gusto po ako at naa-appreciate ng mamamayan ng Valenzuela yung pagseserbisyo ko sa kanila, gusto ko pa ho silang makasama," ayon sa konsehala. - Fidel R Jimenez, GMANews.TV