Filtered By: Showbiz
Showbiz

iGMA: Michelle Madrigal vs Aubrey Miles


Michelle Madrigal revealed kung ano nga ba ang tunay na ugat ng kanyang pagkainis sa kapwa castaways na si Aubrey Miles sa Survivor Philippines Celebrity Showdown.

Mainit na pinag-uusapan ngayon ang tungkol sa alitan ng Survivor Philippines Celebrity Showdown participants na sina Michelle at Aubrey. Mula pa lamang noong umpisa ay inasahan na ng mga viewers na magkakaroon sila ng iringan dahil ex-boyfriend ni Audrey ang current BF ni Michelle na si Jon Hall na isa ring castaway sa reality series. Noong simula ng Survivor Philippines ay sinabi ni Michelle sa presscon na wala naman silang alitan ni Aubrey. “With Aubrey, ang iisipin ng lahat may conflict kami. Pero wala. Kasi nung nasa plane, kaming dalawa yung magkatabi, kami yung nagkukuwentuhan," she said then. “Pero pagdating sa game, ibang usapan na yun. Siyempre, lahat naman, pagka-ganito, friends kami lahat. Pero kapag nasa isla ka, iba ang nasa isip mo. Lahat, kaaway mo sila. Kahit si Jon, kaaway ko siya sa isla," Michelle added. Sinabi pa ng dalaga na hindi na big deal ang pagsasama-sama nilang tatlo sa isla. “2003 pa sila (Audrey and Jon). Siya (Audrey) may dalawang anak na, may Troy [Montero] na. Nakakahiya naman sa pamilya niya, ‘di ba kung gagawan pa natin ng issue. So we are friends. Pero pagdating sa island, we’re all not friends. Kaya kami nandoon para manalo ng P3 Million," pagtatapat ni Michelle. Pero last week ay inilahad ni Michelle sa Showbiz Central ang kanyang naging sama ng loob kay Aubrey dahil sa kanyang mga napanood sa Survivor Philippines Celebrity Showdown. “For me kasi okay lang kung gano’n talaga yung strategy niya na mag-manipulate ng iba," she said. “But hindi ko lang gusto yung mga nasasabi niya na medyo personal, like first week pa lang ng show, sinisiraan na niya si Jon, and then may mga times, yung may mga comments siya na wala naman talagag kakuwenta-kuwenta at hindi naman siya tungkol sa game, so parang feeling ko masyado niya kaming pinersonal ni Jon." Ngayong napapaanood na niya ang game, nagbago na ba ang kanyang mga naunang statements na walang conflict na namamagitan sa kanila? “Kung sa game lang yun, na ngayon e napapanood ko na nga, kung sa game lang, wala akong problema kung ang strategy niya, tanggalin kami dahil alliance kami ni Jon," Michelle said. “Pero nainis ako dahil dun sa mga sinabi niya na mga personal stuff, tapos ang sa’kin lang, she said sorry, but for me, nag-sorry siya sa Twitter. If seryoso ka, bakit hindi mo ako tawagan?" Samantala, nitong nakaraang linggo ay nag-apologize na si Aubrey sa Showbiz Central. Inamin niyang na-exaggerate nga niya ang kanyang mga nasabi tungkol kay Jon noong nakaraang linggo sa Survivor Philippines. Ngunit nilinaw niya na hindi puro paninira ang kanyang sinabi tungkol kina Jon at Michelle. Tanggapin kaya ni Michelle ang paghingi ng tawad na ito ni Aubrey? Paano kaya ito makakaapekto sa magiging desisyon ng jury sa pagpili ng kauna-unahang celebrity sole Survivor? Panoorin ang Survivor Philippines Celebrity Showdown, weekdays pagkatapos ng 24 Oras on GMA. - Karen de Castro, iGMA.TV