Filtered By: Showbiz
Showbiz

Muros out: Survivor Philippines castaways down to five


Mula sa 18, lima na lang ang natitirang castaways sa Survivor Philippines Celebrity Showdown, matapos mapatalsik si Elma “Strong Mama" Muros nitong Huwebes. Sa pagbilang ng mga boto na pinamahalaan ng Survivor host na si Richard Gutierrez, lima ang bumoto Elma, at nakakuha ng isa si Solenn Heussaff. Pawang may immunity naman sina Akihiro Sato, Moi Marcampo, at Aubrey Miles, kaya hindi sila maaaring iboto para patalsikin sa isla. Kasama rin sa natitirang top five castaways si Ervic Vijandre. Kabilang si Elma sa mga paboritong mananalo bilang unang celebrity sole survivor ng sikat na reality series. Ayon pa kay Elma, tanggap niya ang pagkakatanggal niya dahil bahagi iyon ng laro. Nag-enjoy at naging masaya umano siya sa panananatili sa isla. Sa pagkakatanggal, si Elma ang magiging pang-limang miyembro ng Jury. Makakasama niya sina Jon Hall, Michelle Madrigal, Ira Bermudez at Ahron Villena. - FRJimenez, GMANews.TV
LOADING CONTENT