Filtered By: Showbiz
Showbiz

Did Zyrene Parsad get big bonus from Manny Pacquiao?


Sinagot ni Zyrene Parsad ang mga puna sa naging pag-awit niya ng Lupang Hinirang sa katatapos na laban ni Manny Pacquiao sa Dallas, Texas. At totoo nga bang malaki ang naging balato sa kanya ng tinaguriang “Pambansang Kamao" ng Pilipinas? Bagaman marami ang pumuri sa pagkanta ni Zyrene sa Pambansang Awit ng Pilipinas, mayroon din namang mga puna tulad ng mababa niyang tono at tila pagkapos ng kanyang paghinga. Ngunit paliwanag ng dalaga kay entertainment reporter Nelson Canlas, hindi totoo na kinapos siya ng hininga. Katunayan, hindi nga raw siya nakaramdam ng kaba ng mga sandaling umaawit siya.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV At tungkol naman sa mababa niyang tono, ipinaliwanag ni Zyrene sa Chika Minute ng GMA News 24 Oras na: “Yung sinabi ni Mr Ryan Cayabyab, start at your range, ‘wag kang magsastart ng mataas." Tumigil daw siya sa bandang huli ng Lupang Hinirang dahil doon na umano pumasok sa isip niya kung gaano karami ang taong nanonood sa kanya. Katunayan, pagbaba raw niya ng ring ay maraming Pinoy ang nais yumakap sa kanya dahil sa sobrang pagiging proud. Pero totoo nga bang malaki ang naging balato sa kanya ni Pacquiao? “Ang dami na nagsabi sa akin na, uy malaki ‘yan a, malaki TF (talent fee) mo diyan. Well, the fact that he chose me to sing the Philippine anthem is enough," ayon sa dalaga. - FRJimenez, GMANews.TV

LOADING CONTENT