Filtered By: Showbiz
Showbiz

iGMA: Richard Gutierrez on Survivor Philippines: ‘It could be anyone’s game’


Ngayong lima na lang ang natitirang castaways sa isla, marami na ang may kanya-kanyang bet kung sino nga ba ang tatanghaling kauna-unahang Celebrity Sole Survivor. Ano kaya ang masasabi ng host ng Survivor Philippines na si Richard Gutierrez sa mga developments sa show?

Aminado si Richard Gutierrez na mas magiging exciting ang mapapanood na mga episode ng Survivor Philippines sa susunod pang mga araw. Now down to five, the castaways are going to face tougher challenges at makikita natin kung kaninong alliance ba ang mangingibabaw sa game. “I think we’re in a point now that the castaways will do everything they can to win and parang wala na talagang kaibi-kaibigan. Asahan nila na mas makikilala pa nila yung ibang castaways bilang players ng Survivor," Richard said nang makausap ng iGMA.tv. Nagulat din daw siya sa ibang castaways dahil sa naging performance nila sa isla. “You know I was surprised how Michelle [Madrigal] lasted that long and Solenn [Heussaf], how she’s playing the game. I got surprised also how Aubrey [Miles] is playing the game. Different things, different aspects, maraming characteristics ang mga Survivor castaways ang na-surprised ako," ayon kay Richard. Kinuwento din niya na mas na-appreciate niya ang mga castaways nang mapanood niya ang mga interviews at mga nangyari sa isla on television. “Ngayon kasi it could be anyone’s game. Of course I know what happened in the island but now watching it on TV, nakikita ko how they play the game. Nakikita ko yung mga interviews nila, kung paano sila magisip, yung strategies nila," he said. Dagdag pa niya: “Right now at this point I'm sure marami sa mga fans ang may kanya-kanyang boto and yun nga masasabi ko right now it can be anyone’s game." Kaya naman dapat nating abangan ang mga natitirang episodes ng Survivor Philippines. Richard promises tougher challenges and more twists and turns na mangyayari sa island so huwag palampasin ang mga susunod na mangyayari. “It’s a really, really tough competition and advice ko sa mga gustong sumali sa Survivor in the future, talagang maghanda sila physically and mentally and for them to study the game, kasi mahirap talaga siya," payo ng host. Sa gaganaping iGMA Live Chat on November 24, 2010 (Wednesday), makakasama ang Final 5 na sina Moi Bien, Ervic Vijandre, Aubrey Miles, Akihiro Sato and Solenn Heusaff. They will be chatting online from 2pm to 4pm (Philippine time) kaya ihanda na ang inyong mga questions para sa kanila. For more details on this exclusive event, log on to www.igma.tv/livechat. - Loretta Ramirez, PEP
LOADING CONTENT