Filtered By: Topstories
News

Phivolcs: Cagayan, Abra niyanig ng lindol


Niyanig ng magkahiwalay na lindol ang lalawigan ng Cagayan at Abra na naganap sa loob lamang 24 oras, batay sa talaan ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs). May sukat na magnitude-4.3 ang lindol na naganap sa Cagayan nitong Sabado dakong 11:25 am. Sinasabing “tectonic in origin" ang lindol na ang sentro ay nasa 23 km northwest ng Vlaveria, Cagayan, ayon sa earthquake bulletin ng Phivolcs. Dakong 5:03 pm naman nang tumama ang magnitude-3.1 na lindol sa lalawigan ng Abra. Ang Intensity II na pagyanig ay natamdaman in Paoay, Laoag City at Pasuquin sa Ilocos Norte; at Sinait sa Ilocos Sur. Wala namang iniulat na napinsala sa naganap na mga paglindol. – GMANews.TV