Filtered By: Topstories
News

Mga hakbang kontra bird flu tiniyak ng Palasyo


MANILA – Tiniyak sa publiko ng Malacañang nitong Sabado na ginagawa ng mga kinauukulang ahensiya ng pamahalaan ang nararapat na hakbang para mapigil ang pagpasok ng bird flu virus sa Pilipinas. Inihayag ni deputy presidential spokeswoman Abigail Valte na isang inter-agency task force ang inatasan na magbantay sa mga dumarating na dayuhan sa Pilipinas at maging ng mga livestock mula sa ibang bansa. “Sinabi na ng DOH (Department of Health), handa na sila sa kahit anong banta ng bird flu. May inter-agency task force to handle ng pagpasok ng mga foreigner sa ating bansa, kasama rito and DOH at DA (Department of Agriculture) dahil sa livestock posibleng makalusot ang bird flu," paliwanag ng opisyal sa panayam ng dzRB radio. Sinabi ni Valte na inilagay muli sa Ninoy Aquino International Airport ang mga thermal scanner para makita agad ang mga tao na may lagnat at posibleng carrier ng bird flu o A(H5N1) at swine flu na A(H1N1) virus. Ang lagnat, ubo, pananakit ng katawan, sore eyes at panghihina ng katawan ay kabilang sa mga sintomas ng bird flu, ayon sa DOH.
SIGNS AND SYMPTOMS OF BIRD FLU
  • Fever
  • Body weakness or muscle pain
  • Cough
  • Sore throat
  • Sore eyes and/or diarrhea
  • In severe cases, difficulty of breathing in a week’s time from onset Read the DOH advisory on bird flu here.
  • Batay sa pahayag ng World Health Organization, higit na mapanganib ang A(H5N1) virus dahil maaari itong magdulot ng sakit sa tao at maging dahilan ng pagkamatay ng pasyente. "Baka maghalo ang dalawang virus, baka maging mas mabagsik, baka ‘yan magsama," pangamba ng tagapagsalita. Ang mga pasahero na dumarating sa NAIA na kakikitaan ng sintomas ng virus ay kaagad umanong ihihiwalay sa mga tao para masuri. Maging ang mga tauhan ng DA ay naka-red alert sa mga pantalan upang masubaybayan ang pagpasok ng mga hayop mula sa ibang bansa. “Binabantayan ng ating kawani ang pagpasok ng livestock. So far sabi nila wala silang nakikitang namatay sa bird flu na chicken, duck or livestock," pahayag ni Valte sa hiwalay na panayam ng dzBB radio. - GMANews.TV
    Tags: birdflu