Filtered by: Topstories
News
Pagkuha ng dagdag na 10,000 guro hinirit ng Senado sa 2011 budget
MANILA – Sinimulan ng Senado nitong Martes ang deliberasyon sa P1.645 trilyon na panukalang budget ng pamahalaan sa 2011. Kabilang sa 13 pagbabago sa budget na iminungkahi ng mga senador ay maglaan ng P1.5 bilyon para sa 10,000 bagong guro sa bansa. Ayon kay Senador Franklin Drilon, chairman ng Senate finance committee, kumpara sa ginawa ng Kamara de Representantes na halos hindi ginalaw ang inihaing 2011 budget ng Malacanang, ang mga senador na naghain ng 13 pagbabago sa budget. Sa kanyang sponsorship speech nitong Martes, tinukoy ni Drilon ang mga pagbabago sa budget na nais nilang gawin: - Karagdagang P35-milyon sa Task Force Zero Backlog sa ilalim ng Court of Appeals; - Karagdagang P26 milyon budget sa Civil Service Commission para mapanatili ang FY 2010 MOOE level; - Pagbawas ng P1.446-bilyon mula sa Department of Public Works and Highways, partikular sa National Arterial, Secondary Roads and Local Roads and Bridges sa ilalim ng Locally-Funded Projects; - Internal realignment ng P1.5-bilyon sa Department of Education para tustusan ang pagkuha ng karagdagang 10,000 guro; - P100 milyon para sa school-based Alay Tanim Program; - Dagdag na P268-milyon para sa research and development ng iba’t ibang State Universities and Colleges; - Dagdag na P222 milyon para sa scholarship grants sa mga undergraduate sa Science Education Institute sa ilalim ng DOST, at P100 milyon pa sa science technology and engineering fellowships at scholarships para sa Philippines to Taiwan and Korea; - Dagdag na P20-milyon para sa National Library of the Philippines at P40 milyon para sa National Archives of the Philippines na gagamitin sa Digitization of Colonial Documents; - Dagdag na P20-milyon bilang initial fund para sa Philippine Sports University sa ilalim ng Philippine Sports Commission; - P10.350-bilyong cut sa unprogrammed fund na alokasyon upang suportahan ang mga infrastructure project at social programs: P4 bilyon para sa calamity fund; P2.1 bilyon para sa Rural/Sitio Electrification Project; at P4.25 bilyon para sa MRT/LRT expansion; - P978.550-milyong alokasyon para sa program beneficiaries component ng Comprehensive Agrarian Reform; - Bawas ng P210.579-milyon sa Office of the Secretary ng Department of Finance at P392.671-milyong budget cut sa Bureau of Internal Revenue na inilaan sa paglikha ng bagong posisyon; - P740-milyong budget cut sa subsidiya sa mass transport ng Department of Transportation and Communications, P370 milyon na naka-realign sa iba’t ibang arports, ports at railways. Nais ng Senado na alisin ang special provision na inilagay ng mga kongresista na nagtatatag at nagbibigay kapangyarihan sa Congressional Oversight Committee maglipat ng matitipid sa pondong nakalaan sa kontrobersiyal na Conditional Cash Transfer (CCT) program. Sa halip, nais ni Drilon na palitan ang naturang probisyon na lilikha ng inter-agency secretariat na magmomonitor sa implementasyon ng CCT program. Nais din ng Senado na magkaroon ng probisyon sa 2011 budget na nagsasaad na maaaring gamitin sa ibang infra projects na tutukuyin ng pangulo ang matitipid sa pondong inilaan naman sa Public-Private Partnership (PPP) Fund pagkatapos ng taon. Una rito, sinabi ni Drilon na nais nilang maipasa ang 2011 budget bago magbakasyon ang Kongreso sa Disyembre 18. Muling magbubukas ang sesyon ng Kongreso sa Enero 17, 2011. - GMANews.TV
Find out your candidates' profile
Find the latest news
Find out individual candidate platforms
Choose your candidates and print out your selection.
Voter Demographics
More Videos
Most Popular