Filtered By: Showbiz
Showbiz

Katrina says she has found answers to her questions


Isang "kakaibang" Katrina Halili ang esklusibong nakapanayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa mismong bahay niya noong Martes ng gabi, November 23. Nagsimula ang paglantad ng "kakaibang" Katrina nang tanungin namin siya kung ano ang pinakamagandang nangyari sa kanya nitong 2010. "Marami po akong natutunan na maraming bagay sa buhay ko," simula niya. "Marami akong nadiskubre sa buhay ko. Mas nakilala ko po yung sarili ko. "Ano po siguro, mas wala na akong mga tanong na, 'Bakit ganito, bakit ganyan?' "Lahat ng mga bakit na dala-dala ko dati, parang nasagot na lahat. So, masaya na ako. "Actually, yun lang yung first time kong na-experience na maging masaya. Actually, nung November 16 lang, nakilala ko yung pagkatao ko." FINDING ANSWERS. Bakit November 16? Ano ang significance nung date na 'yon? "Hindi ko alam, e," sagot ng StarStruck alumna. "Basta naano ako, biglang... Isang buong taon na ako na puro research ng iba't ibang bagay. "Una, ng mga tungkol sa hayop, kung paano alagaan. Tapos prutas, tapos beauty, ganyan... Paano alagaan ang sarili, ganun. "Tapos nung isang buwan, inaral ko naman kung paano bumasa ng tao. "Kasi, parang ano na ako e, gusto ko yung mga taong nasa tabi ko, gusto ko alam ko na totoo." Research sa Internet at mga libro ang ginawa ni Katrina. "Hindi ko alam, basta na lang ako nagrere-research, ganyan. Una, nag-ano muna ako, yung mga Chinese astrology... "Kasi, kunwari ikaw gusto kong basahin ang personality mo, para maintindihan kita. So, ganun yung ginagawa ko dati. "Tapos, nag-numerology ako... Hindi ko naman kabisado. May binabasa naman akong mga notes, may mga notes ako," kwento ni Katrina. "Tapos, kahit sinong makatabi ko, 'Alam mo ba yung ganito mo? Anong birthday mo? Ano yung full name mo?' "Tapos, inu-numerology ko 'yan, kino-compute ko. Sabi ko, 'Ito yung personality mo.' "Wala lang, ewan ko, basta ganun ang ginagawa ko," aniya. "Tapos, hanggang sa ano, parang sabi ko pa nga, 'Hay naku, next time na merong lumalapit sa akin, 'Anong birthday mo?' "Tapos kunwari hindi kami compatible, sasabihin ko, 'Ay, sorry ha, kasi hindi na ako mag-aaksaya ng laway sa 'yo kasi alam ko darating yung araw na, alam mo yun, walang mangyayari dahil hindi tayo okay.' "Tapos, biglang ngayon, hindi na. Whether compatible ko man yung tao o hindi, hindi na ganun ang pananaw ko. "Parang kung hindi kami compatible, parang gusto kong alamin yung mga problema nung tao. Tapos, gusto ko silang i-inspire." FRUITS, FISH, ANINMALS. Sino ang nag-encourage sa kanya to do these things? "Hindi ko alam. Basta bigla na lang," sabi ni Katrina. "Basta isang buong taon... Yun nga, nagsimula ako sa mga hayop, simula January, puro hayop, ganyan, prutas, beauty... "Sa hayop, baboy, manok, nag-research ako kung paano... Kasi gusto ko nang tumira sa Palawan, e. "Dapat, mag-aaral ako ng agriculture. Pati yung mga tungkol sa isda, tapos parang nawala din sa focus. So, mga prutas naman ako napunta," aniya. "Yung kunwari apple, ano yung mga benefits nun. Para sipagin ako. "Alam mo yung hindi kasi ako mahilig kumain ng mga ganun, e. So, para malaman ko kunyari, 'A, ito yung bibigay sa aking mga benefits ng apple na ito, or banana, or orange, ganyan. Na ngayon na inaral ko, alam mo yung mas may halaga na?" Patuloy niya, "Simula nung nangyari sa lola ko, 'yang mga sakit-sakit, natakot ako, nagkaroon ako ng fear. "So, parang gusto kong maligtas ako, o kung sino man ang matutulungan ko. Alam mo yun? "Tapos beauty, di ba? Ang dami kong research na mga ano, ngayon ko lang na-realize lahat... Paano alagaan ang sarili, ganyan. "Iyon, nung November 16 ko lang na-experience kung paano maging masaya. At alam ko na hindi pala sila naniniwala sa akin. "Siguro ako lang yung taong ganun. Ganun ba 'yon?" natatawang sabi ni Katrina. "Iba-iba yun, may meaning yun, e, may ibig sabihin. Kung anong ibig sabihin ng Cardinal, anong ibig sabihin ng Capricorn, anong ibig sabihin ng ganito," sabi ni Ktrina. "Tapos, iba rin yung mga kunyari Chinese horoscope... Ox kasi ako, e. Iba rin yung ano nun. "So, parang wala, sobrang natuwa ako na alam mo yung parang kunyari na-inspire ka magbasa ng book. Ako, na-inspire na basahin yung sarili ko. "Tapos, mas nakilala ko yung sarili ko. So, lahat ng mga tanong ko dati, nasagot ko na." Kahit sa Facebook at Twitter accounts ni Katrina, laging inspirational ang mga mensahe at Tweets niya. "Nakilala ko yung sarili ko. As in, lahat! "Yung dati, kunyari tatanungin mo ako, 'Bakit ba hindi ka lumalabas?' Ewan ko basta wala, homebody talaga ako. Hindi ko alam kung bakit." ANSWERED QUESTIONS. Dati, hindi raw niya alam ang mga dahilan ng mga nangyayari sa buhay niya... "Oo! Tapos 'Bakit walang nanliligaw sa yo?' Pag sinasabi kong walang nanliligaw sa akin, walang naniniwala pero iyon ang totoo wala talagang nanliligaw sa akin ngayon. Wala talaga kasi, wala talaga, e. "Pero ngayon alam ko na kung bakit. "Tapos, basta lahat... 'Bakit wala akong masyadong friends? Bakit wala akong social life? Bakit nandito lang ako, nagkukulong ako? Ina-isolate ko yung sarili ko sa isang lugar?' "Ganun, lahat nasagot ko na." Natuwa ba siya sa mga naging kasagutan sa kanyang mga tanong? "Opo, natuwa po ako," sagot ni Katrina. Happy ba siya na walang nanliligaw sa kanya? "Na-realize ko na, e. Kasi dati pag tinatanong nila ako, hindi ko alam. E, wala talaga, e, hindi ko talaga alam. "So, ngayon, alam ko na. Kasi yung personality ko ano, e, masyadong straight, parang masyadong focused sa trabaho," sabi ni Katrina. "Tapos yung Capricorn, parang aggressive. Parang dun ko nakuha yung tapang ko. "Pero yung paglilimita ko sa sarili ko na pag nakita mo, akala mo, 'Uy ganyan siya!' Pag nakilala mo naman ako, 'Ay, ano naman pala siya, sa bahay lang siya!' "Makikita mo naman may limitation naman ako. Yung Ox naman, yung umiiral naman kasi yung pagiging conservative na tradisyonal, na may pagka-lola, baduy, late-bloomer!" natatawang sabi niya. - Rommel Gonzales, PEP