Filtered By: Showbiz
Showbiz

Sharon Cuneta wants to end ‘tampuhan’ with Aga Muhlach


Hindi napigilan ni Mega star Sharon Cuneta ang mapaiyak nang mapag-usapan ang naging “tampuhan" nila ng kaibigang si Aga Muhlach. Ang tampuhan ay sinasabing nagsimula nang mag-guest si Sharon sa isang show ng komedyanteng si Ai Ai Delas Alas kung saan kabilang si Aga sa mga nanood, ayon sa ulat ni entertainment reporter Lhar Santiago. Sa tinawag ni Sharon na “laglagan" habang nakikipagpalitan ng linya kay Ai Ai, may nabanggit ito tungkol kay Aga at hindi rin umano na-acknowledge ng batikang aktres ang presence ng aktor na kasama ng iba pang nanonood. Iginiit ni Sharon na ang mga sinabi niya tungkol kay Aga - na tinatawag din niyang “Teng" - ay biro lamang.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV “Hindi naman ako bastos, hindi ako ‘yon, sa showbiz hindi ako ‘yon," pahayag ni Sharon sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Biyernes. “So parang sa tagal-tagal ko nang napakabait, pagbigyan niyo na ‘ko minsan kung lumalabas ang tampo ko, hindi ako mapanirang tao. Mahal na mahal ko siya, so parang…sampu ng pamilya niya." Ayon kay Sharon, nag-text naman daw siya agad kay Aga para mag-sorry at nagpaliwanag. Sumagot naman daw si Aga pero hindi nakumpleto ang kanilang komunikasyon dahil sa pagiging busy sa taping. Sinabi ng aktres hindi niya nais mauwi sa ganitong sitwasyon ang pagkakaibigan ni Aga na hahantong sa sagutan sa pahayagan. “Hindi ako magtatampo kung hindi kita mahal, kung hindi ka importante sa akin. Hindi rin ako hihingi ng tawad kung wala akong pakialam o respeto sa’yo. So paano Teng ganito na lang tayo," tanong niya. Sa huli, muling humingi ng paumanhin si Sharon at umaasahang matatapos na ang kanilang tampuhan at hindi na lumala pa. – FRJimenez, GMANews.TV